Chapter 16: Official

14 5 1
                                    

[Jehan's POV]

           "Asa pa kayo,  tatanda akong dalaga no! - ako.

"Oh gosh!  Maghunos dili ka!  Sayang iyong genes!  Liliit ang populasyon ng mga sexy sa Pilipinas!"- Elle.  Napailing na lang ako.

"Hindi kami mababawasan no!  Kaya lumabas na kayo dito at tumulong don sa mga designers!"- ako.

"Grabe!  Feeling ko talaga Elle siya lang ang may ari ng shop eh! Anyways!  Labas na tayo"- Neaj.

"Haha!  Kunin na lang natin mamaya yung sweldo natin"- Elle.

Sa wakas lumabas na din ang mga pasaway.  Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pag-oorganize ng mga sales ng shop at ang mga naka-schedule na events na dito gaganapin. 

Di nagtagal,  di ko namalayan na 7 pm na pala.

"Nandiyan na Jehan ang customer natin,  kami na lang mag-aasikaso? "- Neaj.

"Ah sige lalabas din ako maya-maya pakisabi na lang kay Mr. Flores"- ako.

Si Mr. Flores ang nagpa-reserve sa shop dahil gusto niya nang i-ask ang nililigawan niya na maging girlfriend at special guest niya ay si Comeback King.

Pagkatapos kong tapusin ang dapat tapusin naligo muna ako sa cr ng office.  Buti na lang talaga may mga naka-stock kaming mga damit dito para in case of emergency.  Ayoko naman kasing mag-amoy pawis pag nakikisalamuha ako mamaya sa labas.

*tok-tok*

Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin.  Naka blue dress ako at blue 3 inch wedge.

Binuksan ko ang pinto.
"Ma'am Jehan pinapatawag po kayo ni Ma'am Elle.  Bilisan niyo daw po. As in bilisan daw po talaga. "- sabi ni Rhea,  worker namin.

"Sige lalabas na ako.  Excited nila ah"- ako at sinarhan na ang office at pumunta sa event.

Wow!  Valentines na valentines ang atmosphere.  Madaming nakasabit na hearts at may candle light tables na naka set.  Halos lahat naka formal dress at suit.  Nagtungo ako sa puwesto ng dalawang atat.

"Grabe ha?  Akala namin nakatulog ka na don.  Magsisimula na kaya"- Neaj.

"Oo na,  nandito na ako diba? "- ako.

Di nagtagal nagsimula na ang program kung saan si Mr. Flores ay nag-alay ng isang kanta at sinama niya ang girl sa gitna at nag-form ang mga kasabwat  niya ng line at nakaform ng 'Will you be my girlfriend' ang hawak nilang placards. 

Napatakip sa bibig yung girl at umiiyak na nag-oo.  Umulan ng congratulations ang venue.

"To complete the loving atmosphere tonight!  Congratulations Mr.  Flores and Ms.  Cueva . Let's welcome our special guest!  Mr. Comeback King! "- MC.

Biglang namatay yung ilaw at naramdaman ko na lang na biglang may yumakap sakin mula sa likuran. Biglang pumailanlang ang kanta na pamilyar sakin.  Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at naestatwa na ako sa kinatatayua ko habang dinadama ang higpit ng yakap mula sa likuran ko at napaluha na ako ng marinig ko ang boses niya.

Song: 1234 by Plain whites

I.
   ~ give me more lovin' when I ever had
Make it all better when I'm feelin' sad
Tell me that I'm special even when I know I'm not
Make it feel good when I'm hurt so bad
Barely getting mad I'm so glad I found you
I love being around you
And you make it easy
It's easy as 1,2,1,2,3

Chorus:

There's only 1 thing
2 do,  3 words,  4 you.
I love you

There's only 1 way
2 say those 3 words
And that's what I'll do
I Love You.

Huli ko na lang nalaman na nasa taas na pala ako ng stage. Nasa  harap ko a ang taong tatlong taon ko nang hinihintay at minamahal.

"Jehan...  Miss na miss na miss na kita. You don't have any idea how much I want to fast forward the time so that I can be with you.  Everyday you're always on my mind.  Your smile never leaves my mind.  Maybe I'm under your spell.  I don't know why,  how,  what,  or when basta all I know is that I Love You.  Sobrang saya ko nong nag confess ka sakin but then I felt sad because kailangan ko talagang umalis,  kami.  Kahit nasa Korea na ako ikaw parin ang iniisip ko at every performance namin ikaw ang inspirasyon ko kaya palagi kong pini-pray na sana huwag mo kong kakalimutan at papalitan sa puso mo.  Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito. Sobrang kinabahan ako nong hindi pa din kita nakitang lumabas kaya minadali at kinulit ko na si Neaj at Elle.  Yes, kasabwat ko sila.  Mahal na mahal kita Jehan.  Do you still love me?  Will,  will you be my girlfriend? "- siya.

Hindi na ako makahinga dahil sa sobrang pag-iyak.  Magsasalita pa sana siya pero pinatigil ko na siya.  Kinalma ko muna ang sarili ko at pinunasan ang mga luha ko.

"M-miss na miss na kita,  di mo lang alam! "- ako at di ko na napigilang yakapin siya ng mahigpit at tumulo na naman ang mga luha ko.

"I love you too and I want to be your girlfriend Bb Pata ko!  Kahit wife pa nga 😘😘"

I fell in love with a KPOP STAR ( COMPLETE ✔)Where stories live. Discover now