Chapter 11: Jealous

16 5 2
                                    

[Jehan's POV]

         "1 week na lang pala dito ang BOYFRIEND "- si Neaj.  Sabay ang duty namin ngayong tatlo.

"Oo nga eh at sobrang nami-miss ko na sila,  lalo na si Youngmin"- Elle.

Mga apat na araw na namin silang hindi nakikita dahil busy sila masyado sa kanilang endorsement at photo shoot.

"Neaj open mo nga fb mo kung may update sa kanila"- ako dahil wala akong load.

"Wait"- siya.

"Back to basic na naman tayo nito "- Elle.  Nalungkot naman ako.

"Oo nga eh.  Sobra ko silang mamimimiss.  Di na din natin alam kung among araw o taon na naman sila dito babalik.  Gusto ko ulit maulit yung time na kami lang dalawa ang nakasakay sa hood ng kotse at nagsa-star gazing.  Hulog na hulog na talaga ako kay Jeongmin "- ako.

"Parang impossible naman kasi yung fan at kpop idol na nagkakatuluyan"- Elle.

"Sinabi mo pa"- ako.

"OH. MY. GOD! "

Napatingin kami kay Neaj.

"Bakit? "- kami.

Pinakita niya samin ang cp niya.

Biglang nawalan ako ng lakas sa nakita ko at naspeechless ako dahil sa inggit.

Update kasi ito sa BOYFRIEND kung saan may ini-endorse silang fruit drink.  Dibale silang anim ay nag-act na mga hikers.  At habang nagpapahinga sila may babae na nakita si Jeongmin na hinihingal it means kasama nila ito sa hiking.  May kinuha siyang bottle ng fruit drink na ini-endorse nila at pinagtulakan ng Lima si Jeongmin sa babae.  Inalok ni Jeongmin ang babae ng juice at nong una tumanggi ito pero nag-insist si Jeongmin at ang ending sabay silang uminom kung saan may dalawang straw at nag-a eye to eye pa sila.

"What a lucky woman"- Neaj.

Iniwas ko ang mata ko sa kanilang dalawa at itinuon ko ito sa taas para pigilan ang mga luha na gustong kumawala.  Nag-iinit ang magkabilang mata ko at nanuyo ang lalamunan ko.

Naiinggit ako!

Nagseselos ako!

Mamamatay na ako sa selos at inggit.

Masakit yung dibdib ko.

Wala akong magawa.

I fell in love with a KPOP STAR ( COMPLETE ✔)Where stories live. Discover now