Chapter 3

22 0 0
                                    

Kagabi habang hawak ko yung ipad ni Mama ay syang uwi ni Papa sa bahay kaya kinausap ulit ako ni Papa about dun sa prinsipe na yun. Ayaw ko talaga pumayag dahil ayaw ko pa mag asawa. Ang bata ko pa kaya para maikasal tapos sa isang prinsipe pa. Panigurado dadami haters ko nun.

Nagmakaawa sa akin si Papa na pumayag na dahil nung tiningnan ko sya ay mukang nahihirapan na sya sa problema ng bansa dahil sya ang sinisisi ng mga Pilipino kung bakit ang laki ng utang ng bansa kaya napa payag na rin ako para sa Papa ko.

"Margie, tomorrow is Saturday so you don't have class right?" sabi sa akin ni Papa dito sa dinning nagbe-breakfast kami ngayon

"Yes Pa, may dapat po ba akong gawin tomorrow or aalis po ba tayo?" sabi ko kay Papa habang nagpapalaman ako ng peanut butter sa tinapay

Ano naman kaya ang gagawin ko bukas sana naman hindi na tungkol sa prinsipe na yun ayaw ko munang pagusapan yung about dun dahil parang nagsisi tuloy ako na napapayag ako ni Papa

"Nag usap kami ng Prime Minister ng Baldovia at gusto ka daw nya makausap or kung available ang prinsipe tomorrow ay puwede din daw nya kayo ipag meet" sabi sa akin ni Papa

Ano?! Kakausapin ako, hindi pa ako handa, ayaw ko muna, sabihin ko kaya na busy ako sa acads ko na may project ako na kailangan kong tapusin

"Pero Pa, may proj..." hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil inunahan na ako ni Papa

"Pumayag ka na right?... after school mo sasamahan ka ng Mama mo para bumuli ng bagong dress so that you will look formal and presentable, baka ma- meet mo pa yung prinsipe tomorrow" sabi ni Papa sa akin at tumayo na at kinuha yung coat nya at aalis na para pumasok sa opisina

"Sige hon, ikaw na bahala kay Margie" pagkasabi nya nun ay humalik sya kay Mama at humalik naman sya sa ulo ko at lumabas na sa dinning

Tumingin ako kay Mama na parang nanghihingi ng tulong o parang nalulungkot ako

"Ma, kinakabahan po ako" sabi ko kay Mama at yumuko habang pinaglalaruan ko yung hotdog dito sa plato ko

"oh honey, don't be. You are so pretty ang ganda ganda mo mana ka kaya sa akin, and be yourself pag kaharap mo na yung prinsipe para di ka masyadong kabahan" sabi sa akin ni Mama at yinakap ako

Yinakap ko din sya at tumayo na ako para pumasok na sa school

"Sige po Ma, pasok na po ako sa school"

--

"Margie! Nakita mo na yung balita? Yung headlines about sa prinsipe ng Baldovia?" salubong na tanong sa akin ni Mika pagkapasok ko ng classroom

Yun siguro yung about sa pagpunta dito ng prinsipe, nakita ko na yan kagabi eh

"Yah, nabasa ko na yan kagabi na pupunta sya dito... hello, sasalubungin ka sya ni Papa sa airport" sabi ko sa kanya at umupo na sa tabi nya

"Hindi Margie, iba pa...eto oh" sabi sa akin ni Mika sabay bigay sa akin ng phone nya at binasa kung ano ang nandito

The Prince of Baldovia are getting married?! With who?

Who is the lucky girl who captures the heart of the Prince?

The Prince of Baldovia are getting married, is it a normal wedding or a political wedding?

Binasa ko ang laman ng news at nabasa ko dun na tutulungan ng kaharian ng Baldovia ang Pilipinas financially, grabe ang bilis naman kumalat ng news

Pagkabasa ko nun ay binigay ko agad kay Mika ang phone nya at tingin sa malayo, napaisip ako kung ano kaya ang nararamdaman ng prinsipe, at pumayag kaya sya at kung pumayag naman sya, bakit?

Royal ContractWhere stories live. Discover now