Chapter 2

31 0 0
                                    

Nakatingin lang ako sa parents ko na nasa harap ko ngayon, sana nagbibiro lang sila. Pero hindi eh seryosong seryoso ang muka ni Papa

"You're joking, right?!" sabi ko kay Papa na pagulat dahil sino ba naman ang hindi magugulat sa sinabi nya

"No, Margie... I'm not joking" sabi sakin ni Papa na seryoso ang muka kinuha rin nya ang coffee na nasa table dito sa sala namin at hinigop ito

"Pero Pa, Marriage is not a Joke. And I don't even have a boyfriend"

Sabi ko sa kay Papa at tingin kay Mama. 20 years old pa lang ako tapos ikakasal na, wag nyang sabihin na...

"Pa, don't tell me. Ipapakasal mo ako sa hindi ko kilala!" sabi ko kay Papa na nalulungkot kasi naman oh matatali na ako tapos sa hindi ko pa kilala. Pero hindi pa ako pumapayag, hindi talaga ako papayag

"Margie, I think you know him"

May inabot sa akin si Mama na picture at isang magazine at nung tiningnan ko ay nanlaki ang aking mga mata. Hindi ito totoo, nanaginip lang ako

"Pa, mas lalong hindi ako papayag, Papa!" napatayo na ako habang hawak hawak ko yung picture at nalukot ko pa ata

"Margie, He is the prince of Baldovia, and he looks good oh and he is the heir to the throne, the crown prince " sabi ni Mama sa akin at kinuha yung magazine kung saan cover yung prinsipe na yun at binuklat buklat pa

"Pa, why me? Bakit ako? And dami dyan oh. And I don't know him and mas lalong hindi nya ako kilala" sabi ko sa kay Papa at pabagsak na umupo sa sofa

"Margie, you know naman na sobrang laki ng utang ng bansa natin at bumababa ang ekonomiya ng Pilipinas" sabi ni Papa sa akin at niluwagan ang suot nyang neck tie

"So ano Pa? ako ipambabayad mo ganun ba Pa? I'm not a toy Pa!" sabi ko sa kanya at binalibag ang hawak kong picture sa table na nasa harap ko

"No Margie, hindi ka ipambabayad. Diba super close kayo ng Lolo mo nung nabubuhay pa sya"

"Yes Pa, bakit po napasok si Lolo Ronald dito sa usapan natin" sabi ko kay Papa at umayos ako ng upo

Grabe namiss ko si Lolo lagi nya akong binibisita dito every weekends nung bata pa ako. Naglalaro kami sa garden nun tapos pinapasan pa nya ako sa likod nya yung pinakagusto ko nun ay yung pinapaupo na ako sa balikat nya nun. Kaya lang 3 years ago namatay na si Lolo sa katandaan kaya sobra akong nalungkot nun

"You know your Lolo was a Soldier and he was promoted to become the personal body guard of the King of Baldovia decades ago" sabi sakin ni Papa at inalala nya rin yung mga panahon na yun

Kinukwento lang yun sakin ni Lolo nun akala ko biro lang yun dahil ang alam ko lang ay retired na sundalo and ang mga kwento nya nun na naging body guard sya ng isang hari ay akala ko ay isang fairy tale lang na laging ikinukwento sa akin habang naglalaro kami na ako ay isang prinsesa at si Lolo naman ang aking knight and shining armor... you know pambatang mga laro. Pero may katotohanan pala ang mga kwento ni Lolo sa akin noon.

"So, ano pong meron sa pagiging body guard ni Lolo?" tanong ko kay Papa

"Nakipag kasunduan ang Lolo mo kay King Francis ang ama ng hari ngayon sa Baldovia na ipagkasundo ng kasal ang magiging tagapagmana nya at ang magiging anak ng lolo mo, Pero dalawa lang kami ng Tito Bryan mo, walang anak na babae si Lolo mo at si Tito Bryan mo naman ay tatlong lalaki ang mga anak. Nung pumunta dito ang Prime Minister sinabi nya na tutulungan tayo ng Kaharian ng Baldovia kapalit ng pagpapakasal sayo ng prinsipe" Paliwanag sa akin ni Papa

"Pa! so ano ako na ha! Bakit hindi si Ate nung dalaga pa sya nung wala pa syang asawa! Ang daya naman eh. Marami pa akong pangarap Papa!" sabi ko kay Papa na naiinis na

Royal ContractWhere stories live. Discover now