TTG: 38 - Big Problem

4.3K 96 0
                                    

A/N: Long time no see, everyone! TUTORING THE GANGSTER IS UPDATED WITH THE TITLE,

" TTG: 38 - Big Problem "

Enjoy reading:)


Quote: " I want to go home.. "


Kezya's p. o. v

Monday...

*ring* *ring*

Nagulat ako sa pag ring ng phone ko dahilan para magising ako sa mahimbing kong pagtulog. Agad kong kinapa sa ilalim ng unan ko ang phone ko.

Nakita ko ang pangalan ni mama sa screen ng phone ko. Nanlaki bigla 'yung mata ko! How i missed my mom so much!

Agad akong napaupo sa kama ko saka sinagot 'yon. " Ma! Kamusta po kayo? " masiglang sabi ko. Wala akong pakialam kung magising pa 'yung kasama ko.

Pero ilang segundo muna ang nakalipas bago siya nagsalita. Bakit gan'on? Usually naman, pag tumatawag si mama, agad siyang nagsasalita.

" Ah, Kezya anak? " bungad niya agad sa'kin. Sa tono ng boses niya, parang may problema siya. Biglang nawala 'yung ngiti sa labi ko.

Kinakabahan tuloy ako. Ano kayang sasabihin ni Mommy? " Ma? May problema po ba? " bigla akong nag alala.

Narinig ko sa kabilang linya na parang umiiyak siya. Hindi ko maiwasang kabahan. Ano ba'ng nangyayari? " Mommy? Ano po'ng nangyari? "

Bumilis 'yung tibok ng puso ko dahil sa kaba, nakinig lang ako sa kabilang linya, hinihintay ang sagot ni Mommy.

Naibagsak ko ang phone ko sa sahig nang magsalita si Mommy. Totoo ba 'to? Totoo ba? Agad nagsituluan ang mga luha sa mata ko. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa narinig, umaasang hindi totoo lahat ng narinig ko.

" K-Kezya? " nakatalikod ako sa kanya, at narinig kong nagmamadali siyang lumapit sa'kin at hinarap ako. Nag alala lalo 'yung mukha niya nang makitang umiiyak ako.

" Kezya? What happened? Tell me. " nag aalalang sabi niya. Pero hindi ko alam. Walang lumabas na salita mula sa bibig ko. Puro iyak lang ang maririnig mo sa buong kwarto.

Sobra siyang nag aalala at siguro nahalata niyang hindi ko pa kayang magsalita kaya niyakap niya na lang ako.

Wala akong maisip ngayon kung hindi 'yung sinabi ni Mommy. Gusto kong umuwi doon at puntahan sila. " A-Alexa, s-si " hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa sobrang pag iyak ko.

Ang sakit. Ang bigat sa pakiramdam. Sana nga hindi ko na lang narinig 'yon eh. Sana nga hindi na lang 'to totoo. Sana nga panaginip lang 'to eh.

Hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi sa'kin ni Mommy kanina...

" Nacomatose ang kapatid mo, inataki siya ng sakit niya last week... "

Alexa's pov.

 Tutoring the GangsterWhere stories live. Discover now