TTG: 21 - Forgotten Memories

5.9K 194 3
                                    

Author's note: Sorry for this late update. Rinerecommend ko yung kantang,

" Beautiful in White "

Pakinggan niyo 'yan ah? Maganda siya promise, parang ako lang charr hahaha!

Oo nga pala TTG'ers babalaan ko kayo, maikli itong update na ito, at hindi rin edited. Lahat naman yata ng chapters ng TTG ay hindi edited^o^ hahaha ngayon ko pa lang kayo ni remind. Sorna hahaha! Hindi ko naman sinabing basahin niyo at lalong hindi ko sinabing 'wag niyong basahin 'tong Chapter 21. It's up to you.

Okay i've talked to much, now i'm leaving you with a quote about this chapter.

' This feeling kills me, i hate this. I hate feeling this pain. I want you to vanish it. I want you here by my side but you left me... '

Wait last na lang^.^, sa mga nagtataka kung bakit ko nilalagyan ng quote yung bawat chapters ay dahil po gusto ko hahaha at para kakaiba siya di'ba? Walang basgan ng trip!^_^

One last thing, the next update is kapag umabot ng 50+ votes itong chapter na 'to.

Kezya's pov.



Naimulat ko ang mga mata ko. Inilibot ko ang paningin ko at natagpuan kong nasa isang magandang lugar ako.


Nasa isang malaking hardin ako at sadyang napakaganda rito.

Mga paru parong nagliliparan sa aking paligid ay sadyang kaakit kaakit. Kahit magdamag ko silang titigan lumipad ay hindi ako magsasawa.

Muli kong inilibot ang paningin ko at doon ko lang natagpuang nag iisa lang ako.

Pero... paano ako nakapunta sa ganito kagandang lugar?

Pumitas ako sa mga bulaklak sa tabi ng puno.

Isang napakandang puting rosas ang pinitas ko at batid kong mabango rin ito.

Itinutok ko ito sa ilong ko at mabango nga. Naipikit ko pa ang mga mata ko nang paulit ulit kong inamoy ito.

Nang buksan ko ang aking mga mata ay may paru parong nakapatong na rito at napangiti naman ako.

" Ang ganda.. " namamanghang tugon ko.

Parang paraiso ang lugar na ito at ayaw ko ng umalis.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko na siyang ikinagulat ko.

Hindi ko alam kung bakit napako ako bigla sa kinatatayuan ko.

" Kez... " napalunok ako nang marinig ko ang napakapamilyar na boses na iyon. Ang boses na hinding hindi ko kakalimutan kailanman.

Doon ako dahan dahang humarap sa kung sino man ang humawak sa braso ko at pagkaharap ko ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Nang makita ko siya ay parang nagbalik ang mga milyong ala ala na tuluyan ko ng kinalimutan.

Sabik na sabik na akong yakapin siya, pero hindi man lang ako makagalaw sa pwesto ko.

" Kezya... I miss you. " nakangiti ngunit maluha luga niyang sabi.

" N-nathan... " mahinang pagtawag ko sa pangalan niya.

Kung panagip ito ay sana hindi na ako magising. Please, gusto kong makasama ang taong nasandalan ko nung mga panahong hinang hina ako.

Lumapit siya sa'kin ng nakangiti. I miss his smile... I miss his voice... I miss all about him.

Nang makalapit na siya ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang luhang kanina pa pala tumutulo.

 Tutoring the GangsterWhere stories live. Discover now