Hanggang Dito Nalang

10 0 0
                                    

Hanggang Dito Nalang

A story written by listeningbook

<listeningbook_stories>

 

 

“Pagod na ako John, ayoko na sa mga fans mong walang ginawa kung hindi  laitin ako, i-bash ako on line, batuhin ako ng kung anu-ano… Ayoko na. Ayoko na. Mahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko… Let’s just stop this… No. I will stop… Para hindi ka mabigatan aalis na lang ako, magpapakalayo, iisipin kong isang masamang panaginip lang ang lahat ng ito… Tama… It may be hard, but it’s the best for the both of us… good bye John…”

 

Gaano ba kadali ang makita ang babaeng mahal mo na nasa harapan mo at nakikita mong naguunahan ang mga tubig na lumabas sa mga mata niya. Mga mata niyang nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Masakit. Kapalit ng kasikatan, pagkamit sa pangarap ko na maging isang sikat na artista ang babaeng mahal ko. Isa ako sa mga masuwerteng tao na minahal pabalik ng taong mahal nila.

But, I don’t worth it.

Sinaktan ko siya. Nasasaktan. Kahit ayoko.

Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pu-puwedeng panghawakan ang dalawang gusto ko.

Kailangan kong mamili ngayon.

Kapag hinabol ko siya, tatakbo kami mula sa flash ng mga camera, issues at mapanghusgang mga tao. O mananatili lang akong nakatayo sa harap ng apartment niya na nabato dahil sa pagtalikod niya sa akin at hayaan siyang mawala habang buhay.

Sobrang naguguluahan ako.

Isa si Lianne sa mga tumulong sa akin para marating kung ano ako ngayon. Isang sikat na aktor, model, singer at host. Lahat nasa akin na kung tutuusin. Pero, walang perpektong buhay, wala.

Tama na siguro ang nasaktan ko siya at handa niya pa akong patawarin. Tama na siguro na siya na ang sumuko. Hanggang dito nalang ba talaga Lianne?

Magsasara na ba ang langit

At tila ba nagagalit

Sa kwento nating paulit-ulit

Pagmamahal na kaypait, kaypait

Kung sakasakaling, hindi ko tinanggap ang kontrata na nagpasikat sa akin. Kung sa sakaling ang tinanggap ko ay ang payo ni Lianne na magpakasal nalang kami kayakap ko kaya siya ngayon at hindi siya  umalis kasama ang maleta niya?

Hanggang dito na lang, hanggang dito na lang

Kaytagal ko nang iniisip, 'di na dapat pang ipilit

Hanggang dito na lang, hanggang dito na lang

Tayo

Journey to a longer adventure to find loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon