Smart Alert

9 0 0
                                    

Smart Alert

A oneshot story written by: Listeningbook

Ano nga ba ibig sabihin kapag nag smart alert siya?

1. Nagpapapapasa ng load?

2. Nanghihingi ng load?

3. Kinakuwartahan ka?

I'll go with number one.

Mas magandang pakinggan.

Pero kahit gano'n...

Kay kapal naman talaga ng mukha niyang ubod ng kapogian na hingan ako ng load!?

Wala na nga ako makain!*exaggeration.

Pero kahit na!

Matutulog na lang ako.

...

Hi. Ako nga pala 'yong seat mate mo sa physical science. Ask ko lang if Available ka 4 tom?

Lunch tayo please?

Tnx.

Reply asap!

[End of text]

Halos buong gabi ko pinilit sa sarili ko na...

Matulog na!

But I always end up reading the message that I just sent to him!

Puwede bang bawiin nalang 'yon?

Kasi naman! Sobra Sobra ko na siyanh crush.

At wala ako sa sarili ko nang isend ko 'yon!

Sabihin ko kayang wrong send lang?

Ano ba Raven! Iisa lang naman ang seat mate niya sa PS!

I'M DOOMED!

Hala baka mali ang num na binigay sa akin ng sinuhulan kong tao sa admin. 

O di kaya...

Number ng mama niya 'yon!?

Okay eksadge kananaman.

Drop this thing na nga!

6am na pala.

Ayos 'yong eyebag ko present nanaman.

Hindi pala ako nakatulog dahil sa kakaisip.

Ano bang araw ngayon...?

Oh triple Crapness! 

It's Tuesday.

My lucky day!

Physical science with Prof Reyes.

Physical science with my handsome seatmate.

Lupa gutom kaba? Nagpre-presinta na po akong magpakain.

"Hoy Raven! May pasok ka pa aber! Bumangon ka na diyan!"

Ugh. My living alarm clock.

Hindi sana ako mangangapa kung alam ko lang sana ibig sabihin ng smart alert niya na 'yon!

...

Tip Toe

Tip Toe

Lingon

Lingon

Tip Toe 

Tip Toe

Lingon

Upo sa upuan.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong wala ang pogi niyang mukha sa room at hallway.

Please kahit ngayon lang umabsent ka!

Dumaan ang ilan pang minuto.

Dumaan na rin ang bell.

Saktong pumasok na si Prof Reyes.

Yeeesss!

Sana talaga absent siya!

"Sorry sir I'm late."

ALSDDFGGGHJLKJ!

"MR. DE GUZMAN!?"

Bulyaw ng masungit at nasa menopausal stage na prof namin.

Ngumiti lang siya at pumasok ng room.

"Hindi po kasi ako nakatulog at hindi ko rin po namalayan ang oras dahil sa kakaisip..."

Ha? KAKAISIP!?

TAKTE Raven! Ang isipin mo kung paano mo hahahrapin ang crush mo na hindi lumalabas ang katotohanan!

"AND HOW THAT THING HAPPENED MR. DEGUZMAN!"

Ngumito siya at...

Tumingin sa akin.

"Kasi po iniisip ko parin kung bakit smart alert ang nareply ko sa crush ko."

C-Crush?

"Sa sobrang saya ko na sa unang beses tinext niya ako... At nadagdagan pa 'yan nang maisip kong may number niya pala ako... Kahit na may load ako kahapon nalilito at natotorpe ako sa isasagot ko sa kaniya..."

Oh My Goodness...

Pulang pula na ang mukha dahil sa sinabi niya...

Is hr referring to me...?

"Raven! Sorry kung smart alert lang yung nareply ko pero alam ko na ang sagot sa tanong mo! And it's a 1000000 percent yes... Ako din may itatanong sayo mamayang lunch date natin..."

Nagkantyawan na ang mga classmates namin.

L-Lunch date?

Hindi ko alam ang mga mangyayari o ang gagawin ko.

Basta ang alam ko lang...

Hindi smart alert ang isasagot ko sa  kaniya mamaya.

 xoxo

Mimi

12:!1

11-03-13

Journey to a longer adventure to find loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon