CHAPTER 22

243 11 21
                                    

BARBARA'S POV

alam kong siya to. God knows how I miss this man.

isinandal niya ako sa pader, ang higpit nung hawak niya sa mga balikat ko, pinipilit kong tanggalin yung kamay niya ayoko ng ganito. Gusto maayos kaming mag usap.

"Steven ma- masakit yung pagkakahawak mo sakin. " sinabi ko habang nakatungo at pilit tinatanggal yung kamay niya. Pero wala akong narinig ni isang salita sa kanya.

"Kung gusto mo akong kausapin, yung maayos wag yung ganito nasasaktan ako" sabi ko ulit. unti unti niya ng pinakawalan ang mga balikat ko mula sa kamay niya. Natakot ako bigla wala naman kasi ako makita dahil madilim dito, hindi ko alam kung anong reaksiyon niya at basta basta na lang siya nanghihila at isasandal ako sa pader.

"bukas, kailangan na natin mag-usap." sabi naman ni Steven na may seryosong tono. Makikita mo ang pagtitimpi at galit sa boses niya, hindi pa rin niya ba ako napapatawad? hindi pa ba sapat yung ginawa ko ano pa ba? kulang ba talaga?

pagkasabi niya nun iniwan niya ako mag isa ng nakatayo dun, sobrang takot ang nararamdaman ko ano ba kasi ang dahilan naguguluhan na ako, bakit parang galit pa rin siya sakin? kailangan talaga namin mag-usap bukas, hindi ko na yun palalagpasin ang tagal ko tong hinintay no. Sobrang laki naman kasi sakin ng epekto nung lalaking yun, nakakatawa man isipin pero napansin ko sa lahat ng ginagawa ko kaya kong gawin lahat para lang sa kanya. Basta ba nandyan lang siya hindi bibitaw.

ilang minuto siguro ako dung nakatayo sa gilid, madami na ngang tao ang dumaan pero nandun pa din ako nakatayo sa sulok na madilim. Makapunta na nga kay Mark siguro nag aalala na yun ang sabi ko lang naman mag CR lang ako. Hinanap ko siya dun.

Ang hirap niya hanapin ha, kayo kaya maglakad sa madilim na lugar nato? bigla naman nag ring yung phone ko.

calling... Mark

"hello babe dito ako sa KKK" sabi ni Mark.

"ha anong KKK? pinapatawa mo na naman ako ha" sagot ko habang nakangite.

You're Weird, I Like You! (under revision)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant