My Idol is a Fanboy

27 3 9
                                    

Hey yow!

Ako nga pala si Sonya.. Hindi ko totoong pangalan yan ah? Yan lang ang tawag sakin ng idol ko.. Yes, Idol ko..

Isa lang naman akong average girl na Kpop Fangirl at mahilig sumayaw.. My cover group din ako at sasayaw kami  ngayon. Debut namin. I won't give the exact details nalang ah? haha! Baka mabisto.. Charot! Kahit obvious naman na ako to? Hahaha!

Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang kwentong to base sa title.. Should I start with when we first met? Or dun sa unang beses na naka chat ko sya? Sige.. Dun nalang sa unang beses na naka chat ko sya.. Si Idol..

Napaka random lang naman kasi ng pangyayaring yun.. I was just trying to find a place kung saan pwedeng magpractice kami ng bagong buong Cover Group ko. Sakto namang nakita ko profile nya so naglakas loob akong i-chat sya.. Yun I just asked him kung saan sila nag papractice ng grupo nya dahil nga alam kong may Cover Group din naman sila.. And ayun buti nalang di sya snob.. Nagka chat kami, usap usap tungkol sa grupo, sa studio, sa practice, ganun..

Until one day, Nung July 20, 2014, finally, nagkita na din kami..

I attended the event to watch and support him dahil fan na talaga ako nun ng group nya kahit practice video palang ang napapanuod ko nun dahil tinatag nya ako.. And then ayun, nakita ko sya, at napanuod ko syang sumayaw, nakita ko kung gano sila kagaling ng grupo nya.. Nakita ko kung gano sya kagaling.. Nakita ko din kung gaano sya kabait..

Nilapitan ko sya kasi usapan namin magpapapicture ako sakanya eh and buti naman nakilala nya agad ako. Nung una nahihiya ako pero syempre kapalan nalang ng mukha..

Pero teka, bakit nga ba friend ko sya sa facebook? haha! Sorry di ko naikwento sainyo ha? Kasi member sya ng isa sa mga cover group ng favorite Kpop group ko na SS501. And yes, sya ang Young Saeng nila.. At first parang wala lang sakin.. Pero nung maka chat ko na sya, naging komportable agad akong kausap sya kasi nga mabait. Kasi nga approachable..

Pero ngayon, dahil may iba na syang group, di na sya sumali sa pinagkaabalahan naming comeback ng grupo nya. Hinayaan nalang namin sya, kawawa naman kasi, mapapagod sya ng bongga kapag dalawa ang CG nya diba? Mas gusto kong maging okay health nya kesa naman sa unahin yung group. Lagi namang may ibang tao para mag sub sakanya. But for me, sya parin ang the best na nag cover sa Young Saeng ko. :)

Anyway, mabalik tayo sa usapan nung unang beses na nagkita kami.. So ayun nga, nakasama din namin syang kumain tapos hinintay namin yung announcement ng winners. Ang saya saya ko nun dahil nakita ko kung gaano din sya kasaya.. Nakita ko kung gano kahalaga sakanya yung grupo nya.. Nakita ko kung gano sya ka-caring. Hanggang sa pag uwi magkasabay kami with his friend and my friend. Ang epic nga eh kasi nakaabot kami nung isa hanggang dun sa bababaan nilang dalawa. Leche ang tanga kasi! Haha! Pero ayos lang kasi nakita ko yung kakulitan nya.. Nakita ko yung tawa nyang wagas.

Dumaan pa yung mga araw na halos lagi kaming magkachat.. Nagkikita din kami minsan sa mga practice dahil minsan nagkakasabay ng practice ang grupo nya at yung dati nyang group na minamanage ko. Nagseselca kami, nagkukwentuhan, kumustahan, kulitan. At mas lalong gumaan ang loob ko sakanya.. Again, kasi nga mabait.. At syempre dahil.....

"Sonya!"

Napalingon ako nung marinig ko yun.. Di ako pwedeng magkamali. Sya lang naman ang madalas tumawag sakin ng ganun.. And there I saw him, smiling at me. Naka shades sya, simple black shirt and jeans. I smiled back at lalapitan ko na sana sya nung bigla syang lapitan ng isang kagrupo ko.. Inaasar nya ako, I know.. Tapos saktong dumating din yung mga kaibigan ko so nag shift bigla sakanila ang attention ko.

My One-shot StoriesWhere stories live. Discover now