Chapter -3-

38K 750 12
                                    

Nagising ang diwa ko sa sunod-sunod na ring ng phone ko. Nabuksan ko pala 'to kagabi bago ako matulog kaya pede na akong makontak. Tiningnan ko ang messages, galing sa bashers, sa mommy ko, Nathalie at Arriane.

Pagkatapos kong basahin ang message nila, umidlip ako ulit. Pero bago pa man ako mawalan ng ulirat tumunog na naman ang phone ko. Wala sa sarili kong sinagot ito.

"Yes?" naaantok kong sagot.

"Bitch, asaan ka ba?Your mom keep calling me, tinatanong kung magkasama daw tayo. Nag aalala ang mommy mo sayo." ani Arriane mula sa kabilang linya.

"Naglayas ako." matipid kong sagot. Nailayo ko ang phone sa tenga ko ng bigla nalang syang sumigaw.

"WHAT? Ano bang nangyari? Is it Tito? Saan ka ngayon? Ayos ka lang ba?" sunod-sunod nyang tanong.

"Don't inform anyone where am I right now most especially my parents okay?" sabi ko.

"Got it. So, where are you?" tanong nya.

"Ventures Star Hotels." maikli kong sagot. "If you wanna be here asked the receptionist about my room number. I'll wait for you. Bye." bago ko pa man sya makasagot nacancell ko na ang tawag.

Maya-maya pa'y nagreklamo na ang tiyan ko. Kaya napilitan akong bumangon para maghanda pero wala pa pala akong groceries. Magpapadeliver na lang ako ng breakfast. Pagkatapos mag order lumabas ako mula sa kwarto at pumuntang kusina.

Maliit lang naman ang napili kong unit.May dalawang kwarto, gamit ko last night at isang guest room. Maganda ang color combination. Infearness magaling ang architect ng unit na 'to. White ang kulay ng beddings. Wala pa masyadong gamit kaya napandesisyonan kong ngayon araw na 'to ay magshoshopping ako.

May maliit na refrigerator, oven, gas stove naman sa kusina. Binuksan ko ang mini refrigerator, walang laman. Sa sala naman at may sala set na. Kulay grey ang sofa. Siguro mas maganda pag may ibang designed. Nakakaexcite din palang magkaroon ng sariling bahay.

Habang nakaupo sa sofa ang dami na namang pumapasok sa isip ko pero winawala ko lahat ng yun. Ayaw kong mastress kakaisip sa mga nangyayari sa buhay ko.

Nagising ako mula sa pagkakaidlip dahil sa tunog ng doorbell. Dahan-dahan akong bumangon at pumunta sa pintuan.

"Delivery po para kay Ms. Saadvera." anang lalaki. Kinuha ko ang order at pumasok pabalik sa loob ng kwarto para kumuha ng pambayad. Pagkatapos bayaran nagsimula na akong kumain. Nakataas ang dalawang paa sa sofa habang nilalantakan ang chicken.

"BEEP!" napapitlag ako sa pagtunog ng bell. Napanguso ako habang inayos ang pinagkainan ko at binuksan ang nagdoorbell.

The DARE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon