Chapter -2-

41.6K 836 22
                                    

"APOLOGIZE TO HER"

Hanggang ngayon, paulit ulit pa ding nagrereplay sa utak ko ang huling sinabi sa akin ni Landon. I looked at my swollen arms at hinaplos ito gamit ang body wash. Andito ako ngayon sa loob ng bathroom nakalublub sa bathtub.

Because of one stupid yet challenging Dare my life gone complicated. I take a deep long breath. I can survive on it. I know I can. I am strong. Yan ang pinanghahawakan ko ngayon. Na matapang ako.

Pagkaraan ng ilang minuto, unti-unti akong umahon mula sa tub at nagtapis ng towel. Lumabas sa bathroom at tumuloy sa kwarto. Tinuyo ko ang buong katawan ko at naglagay ng lotion all over.

Sinuot ko ang pantulog ko na white cotton short shorts and white spaghetti top. Nilugay ko ang mahaba kong buhok na binuhol ko kanina bago sumalang sa tub.

Inayos ko ang kama ko at humiga. Ang daming nangyari ngayon araw na ito. I kissed the most popular guy in school, I received different kinds of threats and deadly curses. Alam kong darating ang araw na dadami pa silang huhusga sa akin.

Handa na ako. Kinuha ko ang phone ko sa bedside table ko at binuksan ito. As usual, nagdadagsaan na naman ang mga messages, tweets, at posts na nakatag sa akin. I heaved a sighed and turned off my phone.

"ALLYSON! Open your goddamn door. You spoiled brat."napapitlag ako sa biglaang kalampag ng pinto ng room ko. It's my Dad. I swallowed hard and looked at the door.

"Fred, don't hurt you daughter. Calm down." hagulhol ng mom ko mula sa labas. Nanghihina ako. Hanggang kailan ba si Mommy iiyak para sa akin.

Tumayo ako sa kama ko at binuksan ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas ko nito isang malakas na sampal ang nakuha ko mula sa ama ko. Napabaling ang ulo ko, 95°. Maang akong napatingin sa kanya habang sapo ang pisngi ko.

"Allyson?" dali-daling lumapit si mommy sa kinaroroonan ko habang umiiyak. Naninikip ang dibdib ko. Pero I tried so hard to hold my tears.

"Are you done, Dad? Gusto ko ng matulog." walang kaemos-emosyon kong utas sa kanya.

"You!" duro sa akin ng daddy ko.

"Hanggang kailan ka ba titinong bata ka. You never change. You become more and more worst day by day. Hanggang yan lang ba talaga ang kaya mong gawin ang mang agaw ng boyfriend ng iba. Nakakahiya ka." galit na galit na sigaw sa akin ng Daddy ko.

Sanay na ako. Anong magagawa ako ganun ang tingin nya sa akin.

A relationship wrecker.

PAK!

Napahawak ako sa pisngi kong nasampal. Tiningnan ko sya at nakita ko ang nanlilisik na mata ng ate ko.

"Malandi ka." sigaw nya sa akin at akmang susugod pero nahawakan ko ang kamay nya. Anong problema nito? Marahas ko itong binitawan.

"Bakit mo ako sinampal? Ano bang problema mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Ang sakit kaya. Tiningnan ko sya ng masama.

"Anong problema ko? Ito, ito yung problema ko." sigaw nya habang pinakita sa akin ang picture kasama ng lalaki at babaeng masayang kumakain ng ice cream.

"Eh, anong masama sa picture na yan?" tanong ko. Ako at ang boyfriend nya. Sa pagkakaalala ko, wala namang ibig sabihin ang picture na yan eh. Coincidence lang yan. Nagkita kami sa mall ang alam ko boyfriend sya ng ate ko at kaya nung inaya nya akong kumain nagpaunlak ako dahil boyfriend sya ng ate ko. Friendly Meeting lang yan.

"Manunulot ka." dun na tumaas ang dugo ko dahil sa sinabi nya. Binigyan ko sya ng masamang tingin.

"Seriously, you're accusing me being a manunulot? You're unbelievable." tinalikuran ko sya pero hinawakan nya ang buhok ko at sinabunutan ako. Tang ina. Not my hair. Kahit kapatid kita, I am going to kill you.

The DARE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon