Chapter 1

624 20 0
                                    

Chapter 1

Ala sais palang ng umaga ay gising na agad ako. Mahapdi ang mga mata ko dahil gusto pang matulog.

Gustuhin man ng mga mata ko ang matulog ay hindi naman kaya ng utak ko. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang nangyari kaninang madaling araw.

Iniisip ko kung panaginip lang ba ang lahat ng 'yon pero hanggang ngayon ay naaalala ko parin. Ang sabi ko ay gusto ko nang tahimik na buhay pero mukhang hindi mangyayari iyon dahil lang sa kapitbahay kong kumatok sa pinto ko ng madaling araw.

Hirap na hirap ako sa pagbangon dahil nakadagan sa akin ang lalaki. Hindi ko rin gusto ang amoy niya dahil sa alak. Bagaman naghahalo ang amoy alak at perfume niya ay hindi ko pa rin gusto. Tinulak ko siya pagilid para tuluyan akong makangon. Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan akong makatayo.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natataranta ako dahil tulog na tulog ang lalaki. Sa sobrang kalasingan ay ibang bahay na ang napuntahan niya.

Wala akong choice kung hindi gisingin ang lalaki. Lumapit ako sa kanya at tinapik ng mahina ang kanyang pisngi.

"Hello? Gumising ka," wika ko. Napangiwi ako dahil sa sobrang awkward.

Hindi pa rin dumidilat ang lalaki. Nauubusan na ako ng pasensya.

Hindi siya magising dahil sa kalasingan. Kinapa ko ang bulsa ng kanyang pantalon. Nakakahiya mang gawin pero kailangan kong hanapin ang susi ng apartment niya. Hindi siya pwedeng matulog dito.

Isa siyang estranghero!

Nakapa ko ang kanyang wallet kaya kinuha ko 'yon. Hindi ko pinansin ang makapal na perang papel, kinuha ko ang susi mula sa wallet at saka binalik iyon sa bulsa niya.

Lumabas ako ng apartment ko at nagtungo sa kabila para buksan ang kanya. Nakahinga ako ng maluwag nang mabuksan ko iyon. Bumalik ako sa kanya at saka siya inalalayan patayo.

Parang mangangalas ang mga buto ko dahil sa bigat niya. May kung anu-ano pa siyang sinabi pero hindi ko na pinansin iyon.

Hindi ko na binuksan ang ilaw. Basta inilapag ko na lamang siya sa kama niya na naaninag ko. Halos magdiwang ako nang sa wakas ay mailapag ko siya. Inilagay ko ang susi ng bahay niya sa kanyang tabi at dali-dali nang lumabas doon pero bago iyon ay narinig ko pa siyang nagsalita.

"Tangina," mura niya. Napangiwi ako dahil doon at nagtungo na palabas.

Hindi ko kinalimutan ang pagla-lock bago lumabas.

Sobra-sobra ang kalabog ng dibdib ko nang makapasok ako sa apartment ko. Sinusubukan yata ako ni Lord ngayong nakabukod na ako.

Humiga ako sa aking kama at pinilit na matulog. Mahigit isang oras lang yata ang naging tulog ko. Nababalisa ako dahil baka maalala niya iyon.

Ano naman kung maalala niya? Siya ang nang-abala!

Mabuti at wala pang gising sa mga oras na iyon kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

Naligo muna ako bago nagpasyang bumili ng breakfast. Mayroon akong kaunting gamit pangluto at meron din akong electric stove. Pwede akong magluto pero tinatamad ako ngayon. Uam lang naman ang bibilhin ko dahil may rice cooker ako.

Kapag nakapag-ipon ay bibili din ako ng mumurahing refrigerator.

Bumili din ako ng ilang school supplies dahil simula na ng klase bukas. May uniform narin ako pagpasok pati na sa trabaho ko. Pinagdadasal ko nalang na sana ay maganda ang maging kalabasan ng unang araw ko sa eskwela at trabaho.

Pagkatapos mamili ay umuwi agad ako. Nasalubong ko pa si Aling Ida na nagwawalis sa tapat ng building. Nang mapansin niya ako ay agad siyang ngumiti. Ngumiti naman ako pabalik.

The Two Of UsWhere stories live. Discover now