19: Kunware

456 11 0
                                    

So yon, update nanaman ako. Thanks guys sa support.

-----

~=Khyron=~

“Hi po. Kayo po pala. Ako po si Zarex, roommate ni Khyron.” Masyang pagbati naman ng mokong. Nakangiti pa ito at napakaaliwalas ng mukha na kala mo ay biniyayaan ng malaking tip sa gay bar.

Pagkasabi nya ng ganun ay napatingin na lang ako sa kanya. Tangina, kulang na lang ay hilingin kong lamunin na ako ng lupa dahil di ko alam kung anong gagawin ko samantalang sya ay nakangiti lang. Buwiset.

Hindi talaga ako makapaniwala. Shete. Sobrang kalat at sobrang gulo ng kwarto namin kanina pagkaalis ko samantalang ngayon ay parang pinaghirapan ng sampung housekeeper sa sobrang linis nito. Pambihira. Ano nanaman kaya ang ginawa ng mokong na to.

“Oh iho. Kami nga pala yung parents nitong si Khyron at yun naman ay si Khyle, kapatid nya.” Wika ni mama sabay turo sa kapatid kong kanina pa nangangalikot sa phone nito.

“Hoy Khyle, itigil mo nga yan. Kanina ka pa ganyan, ano bang ginagawa mo? Huwag mon gang tularan itong kuya mon a umagang umaga ay nanonood ng porn sa cellphone nya.” Sigaw ni mama.

Agad naman akong umalma. “Hala! Ano yan ma? Hindi ako ganyan ah.” Depensa ko naman.

“Anong hindi eh nahuli kita last year. Dun pa nga sa gilid ng washing machine at nakasuksok ka pa dun. Wag ka na magdeny, sinabi mo pa nga na kinagat lang ng alumpipinig yang junjun mo. Sino ba naman kasi ang maniniwal dun noh? Kung gagawa ka kasi ng excuse ay ayos ayusin mo.”

Tila nabato-balani naman ako sa mga sinabi ni mama. Tangina. Sobrang pula ko sa kahihiyan. Ikaw kaya pagusapan na nagjajakol sa harap ng magulang mo, kapatid mo, at sa buwisit mong roommate.

“Ma, kailangan pa bang ikuwento yon? Nakakahiya kaya!” reklamo ko. Tawa lang sila ng tawa.

Sumulyap ako kay Zarex at nakangisi ito. Buwiset, alam na alam ko ang iniisip ng gagong ito. Dumi pa naman ng utak. Nakuu! Kung hindi lang talaga to valedictorian nung high school eh.

“May kausap lang ako ma. Tsaka wala naman akong porn dito, mabait ako. Di katulad ni kuya.” Rason naman ni Khyle. Masungit talaga itong kapatid ko.

“Eh kung tuktukan kaya kita dyan.” Singhal ko naman sa kanya.

“Maganda pala itong kwarto nyo. Malamig lang dito sa loob at may proper ventilation. Maaliwalas at malinis. Nakakaproud ka naman iho. Alam ko namang ikaw ang naglilinis dito dahil wala kang maasahan dito kay Khyron. Di yan marunong maglinis, nagluluto lang hahaha.” Sabi naman ni papa na noon ay pinagmamasdan lang ang loob ng kwarto.

Si Zarex naman ay tango lang ng tango noon. Ngumingiti itong parang aso dahil sa mga sinabi ni papa sa kanya. Nyeta.

“Pa, naglilinis ako dito. Actually, mas magaling pa nga akong maglinis kaysa dyan sa hambog na yan.” Depensa ko sabay turo kay Zarex.

“Aysus! Wag mo nga akong inaano dyan Khyron. Kilala kita. Wala kang maloloko dito.” Di na lang ako sumagot kay papa. Si Zarex naman ay nag belat pa sa akin.

“Nagugustuhan ko talaga dito.” Sabi naman ni papa.

“Pasok po muna kayo at maghahanda po ako ng merienda.” Nakangiting pag-aya ni Zarex sa mga magulang ko. Si Khyle naman ay nauna na at humiga na lamang sa kamang pinagdikit namin. Walang hiya talaga.

Pinaupo namin sila mama sa mga monoblocs. Binigay naman nito ang mga groceries na dinaanan namin kanina. Para daw sa amin at para hindi na raw kami maabala dahil busy daw sa university.

Nilabas naman ni Zarex yung cake na natira namin nung isang araw. Iniwan lang namin ito sa ref dahil di naman masisira. Naglabas din sya ng softdrinks.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now