EPILOGUE

107K 2.3K 187
                                    

A/N: Pasensya na sa matagal na pag-iintay sa kanilang Epilogue ^_^ Mahirap kasing isulat ang epilogue ng batang to na walang ginawa kundi ang sumingit sa love stories ng ating mga agents. Idagdag pa na sa story na ito ata ako pinaka-nahirapan mag-isip ng pangalan para sa kanilang munting supling XD Enjoy Reading at maraming salamat sa pagsuporta sa storyang ito! Labyow everyone!

EPILOGUE

DEN'S POV

Simangot na simangot ako habang naglalakad ako sa pasilyo ng headquarters ng BHO CAMP. Mainit ang ulo ko at kahit pader hindi ko sasantuhin kapag humarang sa dinadaanan ko. Ganon katindi ang pagkabadtrip ko ngayon.

Sinong hindi mababadtrip? Ilang oras ng sumasakit ang abdomen ko. Kagabi pa ito. Nagdidilim tuloy ang tingin ko sa lahat. Si Rushmore na lang ata ang nakakaligtas sa akin. Aba siyempre, hinding hindi iinit ang ulo ko sa gwapo kong asawa.

"Good morning, Den. Good morning watermelon-"

"Anong maganda sa umaga?! Walang maganda lalo na ngayong nakita kitang malandi ka! Tignan mo yang hawak mo! Iyang koleksyon mo na naman iyan! At wag na wag kang makikipag-usap sa baby boy ko at baka mahawa ito ng kalandian mo!"

Hindi ko na pinansin ang patutsada niyang 'watermelon'. Sanay na ako diyan.

Napakamot sa ulo niya si Triton na siyang bumati sa akin. May dala-dala siyang maliit na bagay na mukhang treasure box. Naikuwento na sa akin ni Rushmore iyon kaya alam ko kung ano ang laman ng hawak niya.

"Hindi ka na lang nambabara ngayon, Den, masungit ka narin. Tsk tsk. Iyan ba ang naidudulot ng pag-aasawa?"

"Hindi. Ito ang naidudulot kapag nakikita kita ng ganitong ka-aga."

Ngumuso si Triton at pinameywangan ako. "Aba Den! Mas gwapo kaya ako sa asawa mo!"

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Saang banda?"

SInaklot niya ang dibdib niya na parang pinana ko siya sa puso. Nagpalingon-lingon ako at baka nga may mahanap akong pana at ng totohanin ko na ang nararamdaman niya. "SInaktan mo ang damdamin ko Den! Araaaay!"

"Ewan ko sayo. Magsama kayo ng koleksyon mo ng panties na malamang sa hindi ay inaamag na ngayon!"

"Oy hindi ah!" he hugged the box protectively. "Nilalaban ko to every week!"

I rolled my eyes at him. Iniwan ko na siya bago pa ako makalbo. Ipagdadasal ko na lang si Dawn na araw-araw na nakikita si Triton dahil salamin lang ang pagitan ng mga office nila. Poor Dawn.

BHO CAMP: Trapping Mr. Rockstar Into Wedlock (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon