TRAP 3 ~ Confuse ~

84.8K 1.9K 126
                                    

CHAPTER 3

DEN'S POV

Simangot na simangot ako habang nagmamaneho. Unang-una natagalan ako sa pag rent ng sasakyan. Dahil ang magaling na mag bestfriend na si Phoenix ay Snow ay walang sasakyan. Naibangga daw ni Snow. Hindi ko na tinanong ang kalagayan ng kotse dahil paniguradong nawasak iyon.

-_____-

Car wrecker ang Snow na iyon.

At dahil nasa trunk ng kotse ang new friend ko na si Isto a.k.a. ISTORBO ay ibinigay ko na lang ang sasakyan ko sa kanila at nagrenta na lang ako ng panibago.

Magulo ba? Ganto kasi iyon.

Kahit na hinahunting na ako ng boss ko dahil hindi pa ako nagpapasa ng new report para sa news thingy project namin ay may plano parin akong umattend sa concert tour ng Royalty. Iyon nga at galing ako ng Ilocos at pasunod na sana ako sa Baguio ng madetect na BHO CAMP tracker ko na may isang agent na kailangan ng tulong sa malapit.

Si Freezale ang agent na iyon.

Nang malaman ko na kinakailangan niya ng maghahatid ng isang bangkay kaila Snow ay doon ko narealiz na dapat pala talaga ay nakipagkulitan ako kaila tito Warren at Craige na hindi na ako bigyan ng tracker dahil hindi naman kasali sa trabaho ko ang pagkuha ng mission. I'm an intelligence officer. Pero dahil protocol daw ay kumuha na ako.

-_________-

Wrong move.

In the end eto ako at ginabi na paakyat sa Baguio. Kung sabagay bukas pa naman ang concert. Exercise day nila ngayon ayon sa mahiwaga kong Stalk Rushmore Specialty. Pero...pero gusto ko siyang makitang nag e-exercise.

Gusto ko na...na...na...na maging towel niya! Gusto ko na maging tubig na papawi ng kaniyang init! Gusto kong maging hangin na hahaplos sa kaniyang basang katawan! Gusto ko-

"AHH! Hindi pwede ito! Bakit ba minamalas ako?"

Parang gusto ko ng tirisin ang dalawang lasing na lalaki na kasalukuyang nag bu-budol dance sa gitna ng daan.

Mukhang paakyat din sila ng Baguio ang kaso naibangga nila ang kotse nila na ngayon ay kasalukuyang nakikipaghalikan ng torrid sa puno.

BHO CAMP: Trapping Mr. Rockstar Into Wedlock (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon