Chapter 22

75 2 0
                                    

(Kit's POV)

andito na ako sa kwarto ko. hindi ako makatulog. bumangon ako at naghanap ng babasahin. hindi pa din ako inaantok. at para akong baliw na nangingiti.

" hay kit. anong nangyayari sayo?" sabi ko sa sarili ko. tapos nangingiti nanaman ako.

" hay....!!" irita kong sabi at inalis ang ngiti sa muka ko. at ginulo ang buhok ko. nag decide akong pumunta aa kitchen at mag hanap ng pagkain tapos bumalik din ako sa kwarto ko. pagkaupo ko uminom ako ng tubig na kinuha ko at natulala nanaman ako.

/flashback/

bumaba ako sa kotse at umikot papunta sa side ni mia para pag buksan sya ng pinto. inalalayan ko sya pababa. hinawakan ko din yung ulo nya para hindi sya mauntog. alam kong clumsy ang babaeng to e. nung umapak sya sa babaan nung kotse nadulas naman. automatik na hinawakan ko sya at natumba kaming dalawa. nagulat ako ng mag dikit ang labi naming dalawa. ang lambot ng labi nya. minulat nya yung mata nya at nanlaki ito. umalis sya sa pagkakapatong sakin at tumayo naman ako at nag offer ng hand para matulungan ko syang tumayo.

" tumayo ka na jan" sabi ko. hinawakan naman nya yung kamay na inoffer ko. hindi sya makatingin ng deretso sakin. nahihiya ba sya -.- iwas na iwas sya bigla. teka. first kiss nya ba to? wait. namumula ba sya?

" sa... salamat" yun nalang nasabi nya


"hmmm. don't tell me..." lumalapit ako ng lumalapit sa kanya para asarin sya. ang cute nito. hahahaha yung side nya yung nakaharap sakin


" that was your first kiss?" asar ko sa kanya. nilingon nya ako pag kasabi ko nun pero umiwas sya sakin. ang lapit ng muka namin. napatingin ako sa labi nya.

" pake mo....." hindi nya natuloy yung sasabihin nya. ang lambit talaga ng labi nya. halata kong nagulat nanaman sya sa ginawa ko. tinulak nya ko tapos sinampal. napahawak naman ako sa muka ko at napahawak sya sa bibig nya. ngumisi lang ako. nakakatuwa tong babaeng to. one of a kind.

" nice. 1 slap 2 kiss. di na masama a." asar ko ulit sa kanya para di halata. bakit parang uminit bigla dito sa labas. gabi na. dapat malamig na. nakatingin lang ako sa kanya gusto kong mas sorry sa kanya. nadala lang ako. ang ganda kasi nung labi nya. tsk. kit. ang tahimik tuloy ng mundo  mga huni ng ibon at tunog ng gabi lang ang naririnig naming dalawa. parang magnet yung labi nya ee. aasarin ko nalang dapat sya kaso di ko alam kung bakit ko sya hinalikan ulit.

nabasag ang katahimikan ng may tumawag sakanya. tinignan nya kung sino yung natawag at sinagot nya iyon

" hello ma" mia. si tita pala

" ma. sorry po. andito na po ako sa labas." tinitignan ko lang sya. bakit parang may something dito sa dibdib ko.

" papasok na ko." sabi nya sakin. nakatitig lang ako sa kanya.

" hoy kit. papasok na ko." nag snap pa sya sa harap ko.

" si..sige" sabi ko tapos inalalayan ko sya makapasok sa kanila.

~~~~~~~~~~~


" salamat iho at lagi kang nanjan." tita

" walang anuman po. mauuna na din po ako."


" sige sige. ingat ha." tita


" salamat" mia. napatingin ako sa kanya. naiwas pa din sya ng tingin. at umalis na ko.

/end of flashback/


napansin kong hawak ko yung labi ko at nakangiti.

" hay!!!!!!!" sabi ko at bumangon ako ulit mula sa pag kakahiga.

" bakit mo naiisip yun?" sabi ko sa sarili ko. hinawakan ko ulit yung labi ko at medyo nangiti. para na kong baliw.

" ay!!!!" ginulo ko yung buhok ko at nahiga ulit.

" hindi naman ito yung unang beses na nakahalik ako pero bakit ganito. kailangan kong pigilan to. may kinuha akong lalagyanan ng necklace sa drawer ko sa gilid ng kama ko at inilabas ko yung laman.


" asan ka na ba?"

~~~~~~~~~~~~


hi. hope you guys like it. :)

labyu guys.

~anne~

Mr. ANTIPATIKOWhere stories live. Discover now