Chapter 3

140 3 0
                                    

( Mia's POV)

" sino ba sya para gawin sakin yun? Nako. Bwisit. Bwisit talaga sya. Kabago bago nya dito. Di porket kanila tong school ganun na sya aasta." Kinakausap ko sarili ko. Andito ako sa rooftop ng school. Ganito gawain ko kapag nag iisip ako o gustong mapag isa.

" nakakainis talaga sya. Grabe sya mangtrato. Kahit kanila tong thomas university di ako natatakot sa kanya."

" hoi. Anong ginagawa mo?" Kit. Palakang to. Bigla biglang nasulpot. Nako nakita ba nya pag tatantrum ko? Baka narinig nya sinabi ko. Patay.

" aa...... a... ano... wala. Ba... bakit ka andito?!"

" dito ako napasok" kit.

" tsk. I mean bakit ka nandito sa rooftop?"

" bakit? Bawal ko bang puntahan ang rooftop ng school ko?" Kit.

"Tsssm bala ka nga jan. "

Tapos nag walk out na ako. Ang yabang yabang talaga. Kainis.

~~~~~~~~~~~~~

" oh anyari?" Aileen.

" wala"

" yah! Mia. Ano nga?!" Aileen

" nakakainis na yung kit na yun. Ang lakas mag asar. Napaka antipatiko ang yabang pa at sa dami ng studyante dito ako pa ginugulo nya."

" ee ano bang nangyari mia?" Aileen

" nung una muntik na nya ako masagasaan. Talos sunod nag sorry...."

" o nag sorry pala ee." Aileen.

" patapusin mo kasi ako. Akala ko din nag sorry na tapos bigla ba namang sinabi in your face (ginaya ko si kit with make face) tsss tapos porket kanya ay sa kanila pala tong school na to di na sya mag bibigay ng privacy sa ibang studyante."

" teka. Kinakausap mo nanaman sarili mo sa rooftop?" Aileen.

" oo" nag pout ako.

" hay nako. Hayaan mo nalang muna. " tapos nginitian ako. Sakto naman dumating na yung teacher kasabay si.. tss kit. Then nag start na yung klase.

~~~~~~~~~~~~

" tara bes. Uwi na tayo. Pero samahan mo muna ako dadalhin ko tong mga notes natin sa desk ni mam." Aileen.

" sige sige. "

Nag lalakad na kami ng nangapa ako ng bulsa para kunin ang cellphone ko.

" la. Wala" sabi ko sa sarili ko.

" ano yun bes?" Aileen

" nakita mo ba yung phone ko bes?"

" a... sa desk mo ata. Wala ba sayo?" Aileen

" itatanong ko ba yun bes kung nasakin? Babalikan ko lang saglit. Di pa naman tayo nakakalayo sa room."

" sige bilisan mo. Ito pa" itinaas yung mga notes namin.

" yeah!" Tapos tumakbo na ko sa room.. pumunta ako sa desk ko. Wala yung phone ko. La. Asan na kaya yun?. Grabe. Huhu no..

Hinanap ko talaga sya pati sa bag ko. Kaso wala. So lumabas na ako ng room para puntahan si aileen.

(Kit's POV)

" bro balikan ko lang yung bag ko bago tayo umalis. Saglit lang. "

Nag lakad na ko sa hallway papunta sa room. Nakasalubong ko sila mia at aileen pero di ko na pinansin at dumeretso na ako ng room para kunin yung gamit ko. May nakita akong phone sa isang upuan. Kanino kaya to. Inopen ko. Napangiti ako.

" ang cute" nasabi ko sa sarili ko.

Nag lakad na ako papalabas ng room. Nakasalubong ko si mia natakbo pabalik. Tumigil ako

" mi....." di ko na sya natawag kaya dumeretso nalang ako.

(Mia's POV)

Nakita ko si aileen nag pupulot ng mga notes namin tapos tumingin ako sa harap nya kung sino man ang nakabangga sa kanya. Nakita ko si kit na papalayo at nakalagay pa sa bulsa nya yung dalawa nyang kamay. Letse talaga tong lalaking to. Kinuha ko yung libro na hawak ko tapos binato ko sa kanya  tinamaan sya sa likod at lumingon.

" what the?" Kit

tapos lumingon sya at tumingin sakin tapos nilapitan ko sya. Nakita ko yung ibang studyante na nakatingin samin. Wala akong pake.

Mr. ANTIPATIKOWhere stories live. Discover now