Chapter 8

19K 308 4
                                    

Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

Chloe, saan ko to ilalagay?” sigaw ni KC sa pinsan niya. Tumutulong kasi siya sa pag-aayos nang mga papeles ng opisina nito. “Alam mo kailangan mo ng kumuha ng secretary mo, mas mahihirapan ka kung ganito kagulo ang mga files mo dahil wala na ako para tulungan ka, huwag ka na magkuripot pa. Pinapapunta mo lang ako para libre na yung secretarya mo sa isang araw at pinapalinis mo sa akin lahat ng mga files mo,” pagalit ang boses na turan niya sa pinsan. Alam naman ni Chloe na nagtatatalak siya pero tutulungan niya rin.

Si Chloe kasi ang breadwinner sa pamilya nila. Pinsang buo niya si Chloe sa mother side. Ang nanay niya at ang tatay nito ay magkapatid. Nakapagtapos naman si Chloe nang kolehiyo sa kursong Business Administration kaya nga lang ay associate lang. Hindi na rin naman binalak ni Chloe ang bumalik pa at ipagpatuloy ang kurso. Ang sabi kasi nito ay kailangan niya lang matutuhan ang basic nang papasukin niya. Gusto kasing magtayo nang business si Chloe. Natupad naman ang pangarap nito na makapag-patayo nang business at ang business na ito ay ang past time ni Chloe noon; maging kupido. Mahilig kasing mag-match make si Chloe since mga bata pa sila at alam niyang hindi ito nagkamali sa pagpili ng negosyo. Dahil din sa negosyong ito ay naipagamot ni Chloe ang nanay nito na may sakit na tuberculosis.

“Pagpasensiyahan mo na, sis, naging busy kasi ako nang mga nakaraang lingo kaya hindi ako nakapaglinis. That’s why I asked fpr your help, ikaw yata ang one of the best secretary na nakilala ko,” sabi nito na nakasubsob ang ulo at may binabasang mga papeles. Mga bagong miyembro nang Hearts Connected Company.

“Siya sige, lusot na ang excuse mo wag mo lang ako bolahin. Ikaw talaga,” sabi niya at inilagay na ang mga documents nang mga na-match ni Chloe at hanggang ngayon ay mag-asawa parin.

“Salamat talaga, sis, for helping me! Hulog ka talaga ng langit,” sabi pa nito at nginitiaan siya then tumungo ulit para bumalik na sa trabaho.

“Gusto mong maiinom?” tanong na lang niya sa pinsan ng matapos ang pag-file at pag-aayos ng mga dokumento nito. Naaawa din naman siya dito, since umalis siya, ay wala na itong katuwang sa pagpapalago ng business na silang dalawa ang nagtayo. Yes, kasama siya sa nagtayo ng negosyo. Pinagmasdan niya ang nakayukong pinsan at napabuntong hininga, somehow she wanted to ease her cousin’s tiredness. Hindi naman talaga medaling trabaho ang mag-match nang mga tao, kailangan mo pang analisahin ang ugali nang isa’t isa.

“Orange juice na lang, sis, maraming salamat talaga. Pampered talaga ako pag andito ka kaya nga miss na miss kita dito,” sabi nito na itinaas ulit ang tingin at binigyan pa siya nag flying kiss.

“Sige mang-uto ka pa. Magtitimpla na ako. Wag mo na akong i-threaten,” Naglolokong sabi niya dito.

“Oi! Hindi kita tine-threaten ha. Nilalambing nga kita e,” na natawa na rin sa biro niya.

“Asus, bibili na rin ako nang mamemeryenda. Kanina pa kasi ako nagtratrabaho pero wala paring nagpapakain sa akin,” Kunwari ay nagpaparinig siya dito.

“Asus din, namimiss mo lang ang Boss mo e. Sige at ibili mo na rin ako nang ensaymada. Salamat sa meryenda, sis,” sabi nito na kumaway pa sa kanya.

Tumawa na lang siya bago kinuha ang bag at lumabas na sa opisina. Na-miss niya ang ganito. Ang magrelax at  makipagkulitan kasama nang pinsan. Papalabas na siya nang makita niyang pumarada ang isang kotse sa harap nang HC. Pamilyar ang kotse na iyon at hindi nga siya nagkamali dahil lumabas si James na nakangiti sa kanya

JESTER Series 1: James Anthony's - Wounded Hearts [Edited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon