Chapter 5

20.5K 355 19
                                    

Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

I think he's here, mama.” Tumayong sabi ni Javier Cristobal, ang tatay ni James, at ngumiti ito sa dalawang babae.

“Hi pa, ma and granny!” Bati niya sa tatlong tao na nasa sala at hinihintay ang pagdating niya.

“Ang aga mo yata, son. I told you to be here at 6 and its only half past five in the afternoon. I thought you have a press conference with your brods?” Tanong nang tatay niya at inakbayan siya.

“I cancelled that for grandma. And you know me dad, I hate reporters, well, not as much as Randolph hates them but still there's hate in it.”

“Hijo, dont you miss me?” sabi ng lola niya, si Guadalupe Cristobal, na kunwari ay nagtatampo. “Porke ba nagbinata ka lang ay hindi mo na ako iniitindi?” patuloy pa nito.

“Dont be silly, Granny. You know how much I miss my favorite lola.” Pagkasabi nito ay lumapit na siya sa lola niya at nagmano dito. “You're still as beautiful as ever, Granny, and you look younger than the last time I saw you.”

“Hay apo, hindi mo na ako dapat ginagamitan nang charms mo dahil hindi na uubra yan sa akin. Nagawa ng lahat yan ni Jacinto, sumalangit nawa.” Sabi nito at natawa pa. “Dapat sa mga babaeng nirereto nang mama mo nalang ginagamit ang charms mo. Alam mo namang hindi na ako bumabata apo at gusto ko pang maabutan ang magiging apo ko sa tuhod. Remember, you're not that young anymore, James.” Nag-umpisa na naman ang pagsesermon nang lola niya tungkol sa pag-settle down niya. Tuwang-tuwa ang mama niya pag andyan ang lola dahil may kakampi ito para sa pagrereto sa mga babae sa kanya.

“Pakinggan mo kami nang lola mo anak. I really want to see my grandchild too. I want a baby in this house na maaalagaan ko. Puro na lang kasi mga mature ang nandito no, nakakatanda lalo, right Mama?” sabi nang mama niya, si Margarita Cristobal, na tumabi pa lola niya. “Why not date Michelle Ventura? She’s really a nice girl and very beautiful. Nakatapos siya sa kursong Business Management. She’s gonna be a good help to our company too.”

“Pa, help me here.” Sabi niya na tumingin at humihingi ng tulong sa ama niyang naka-ngiti lang sa mag-iina.

“Well, pagbigyan mo na yang lola at mama mo. Gusto ko na rin naman kasing magkaapo, son”

“Even you, pa?” sabi niya na may panlulumo sa tinig niya. “I'm not ready to marry yet. Not... now.” Sabi niya na may sakit na makikita sa mata nito.

Bumuntong-hininga ang mama niya. “Don’t tell me, Hindi mo pa nakakalimutan si Isabel?”

“Si Isabel? Ang Gold Digger na modelong yun? Unang kita ko dun sa babaeng yun hindi ko na nagustuhan. Mukha kasing social climber.” Sabi naman nang lola niya na noong una pa lang ay tutol na sa ex niyang si Isabel.

“Ladies, I think it's inappropriate to talk about that woman here.” Ang sabi nang tatay niya na tumingin sa kanya. Nakita nito and sakit na bumalatay sa gwapong mukha ni James.

“I... I’ll just go up and change, everyone.” Sabi niya at  lumakad na sa grand staircase nang bahay. Isabel was his first love and the lady that he almost marry. He loved her so much his willing to give her everything dahil tanga pa siya noon. Nakilala niya si Isabel Fontanilla sa Fashion show na napilitan lang siyang pumunta. Isa kasi sa mga inirereto ng mama niya ay Fashion Organiser, kaya ayun at napilitan siya. He fell inlove the moment she stepped out and showed the wedding dress she was wearing. She looked like a goddess to him.

JESTER Series 1: James Anthony's - Wounded Hearts [Edited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon