Chapter 18 - Reason

34.2K 961 41
                                    

Zerux's POV

Nandito ako sa opisina habang kaharap ang kapatid ng aking mate na nasapak ko pa kaganina dahil ayoko talaga na may yumayap na ibang lalake sa aking  mate,gusto ko ako lang!!!!

Nagulat ang aking mate dahil sa pagsapak ko dito pero nginisihan lang ako ng kapatid nya na tila natutuwa sa reaksyon ko.

Hinayaan ko munang makipaglaro si Daseri sa mga bata sa labas pero syempre mga babae ang mga iyon,mahirap na!

Sinabi ko na maguusap lang kami ng kapatid nya kaya sumang ayon ito baho lumabas ng aking opisina.

"Anong nais mong pagusapan natin?"tanong ko dito

"Didiretsuhin na kita,narito ako para sabihin ang aking hinala kung bakit ikaw ang naging mate ng aking kapatid"napatawa ako ng pagak sa sinabi nya.

"Bakit ba napaka big deal sa inyo ang pagiging mate ko sa kanya?"may pagkairita kong tanong dito.

"Dahil importante sa amin iyon,alam kong alam  mo na kung sino at ano si Daseri "napabuntong hininga nalang ako

"Fine,sabihin mo na kung ano man ang sasabihin mo "

"Matapos mamatay ni Lilith noon ay kinuha ng moon goddess ang puso nito,dahil alam nyang babalik si Lilith kaya kailangan nyang gumawa ng hakbang para mabago ang mga pangyayari sa hinaharap,nagisip  sya ng  napakahabang panahon hangang sa  nakakita na sya ng maaring maging solusyon.Ang hinala ko ay ikaw mismo ang solusyon na nilikha nya."

Tila naagaw naman non ang atensyon ko,bakit ako? Ano ang kaya kong gawin?

"Alam nating dalawa ang ugat ng dahilan kaya nagkaganon si Lilith dahil yon sa pag-ibig,marahal naisip ng moon goddess kung bibigyan nya nang pagkakataon si Lilith na mahalin at magmahal ng lalaking nararapat sa kanya ay maaring hindi na nito ituloy ang pagsira sa mga nilalang,kaya ikaw ang nilikha nya,nasasinapupunan ka palang ng iyong ina ay planado na ang lahat,ang pagkakaroon mo ng di pangkaraniwang wolf,mga kakayahan at kapangyarihan ay dahil sa puso ni Lilith na tumitibok sa katawan mo"

Nabigla naman ako sa sinasabi nya,what the fvck ??

Kaya ba parang meron akong kakaibang nararamdaman dito sa puso na akala mo nababalutan ng kung anong maligamgam sa pakiramdam dahil puso pala ito ni Lilith

"Tama ka,ang pusong kinuha ng moon goddess sa katawan ni Lilith ay ang mismong nasa katawan mo ngayon,ginawa nya iyon para kapag dumating ang araw na bumalik sya ay hindi ka nya sasaktan dahil na sa iyo ang puso nya at yun din ang dahilan kaya ka may mga kakaibang kapangyarihan na mayroon ka at mga matutuklasan mo pa,syempre para mas maging epektibo ay ipinares ka nya kay Daseri na pangalawang buhay ni Lilith, kasama narin sa plano ang matagal mong di pagkakaroon ng mate dahil nais ng moon goddess na maging matatag ka at ihanda.Nais ng moon goddess na mahalin mo si Daseri at hindi saktan gaya ng ginawa ni Agri kay Lilith, upang maramdaman nito  na hindi lahat ay nais syang saktan lamang .Nasa iyo ang pag-asa ng lahat para hindi matuloy ang pagkawasak ng mga may buhay.Nasa plano narin ng moon goddess ang pagpunta ni Daseri sa dimension ninyo,sinadya nyang buksan ang lagusan papunta sa lugar na ito,ngayong nasagawa na ang plano ay nasa iyo na ang mga susunod na hakbang para magtagumpay.Baguhin mo sya...baguhin mo ang nararamdamang galit ni Lilith sa katauhan ni Daseri " may pakiusap na sabi nito.

Naunawaan ko naman ang nais nyang opahiwatig kaya tumango nalang ako dito.

"Bago kami lumisan ay mayron pa sana akong nais ipahabol na sasabihin sa iyo"malungkot na sabi niyo na kinataka ko naman

"Ang Feora. ....."

________________________

Daseri's POV

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Where stories live. Discover now