You're My Destiny

72 8 1
                                    

Copyright © MiidnightMist, 2014 

All rights reserved. 

Isa akong ordinaryong babae na nagta-trabaho as a secretary sa isang malaking company. Madalas ako utusan ng mga katrabaho ko kagaya nito:

“Riza. Please print out five copies of this” sabi ni Lea sabay bigay ng isang papel.  Isa sya sa mga katrabaho ko.

Hindi na ako masyado nakakapagfocus sa trabaho ko dahil utos dito, utos doon ang ginagawa nila sa akin.

“Riza. Bilhan mo nga ako ng one cup of Cappuccino. Thanks”

“Sa akin Flat White coffee and chicken sandwich. Thanks”

See? Kahit mga pagkain nila sa akin pa rin nila inuutos, kaya nga ‘post-it girl’ ang tawag nila sa akin. Palagi kasi nila isinusulat sa sticky note ang mga gusto nilang ipagawa sa akin at ididikit naman iyon sa akin pagkatapos.

Nakasanayan ko na ang trabaho na ito. Kahit utasan lang ang ginagawa nila sa akin ay ayos lang, sanay na ako eh.

Habang naglalakad ako papuntang coffee shop ay bigla ko naman naisip si Eric Ebalde, isa sa mga katrabaho ko na... Hehe... type ko. 

“Kailan kaya ako magkakaboyfriend? Meron pa kaya papansin sa akin?” sabi ko sa isip ko.

Hanggang ngayon kasi wala parin akong lovelife. Kailan ko kaya makikilala ang destined person para sa akin. Ang tao na iyon na hindi ako sasaktan at ako lang ang mamahalin? Bukas kaya? Sa susunod na mga araw? Next week?

Sana ngayon na dumating ang MY DESTINY.

You're My Destiny (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon