Chapter 5

155 5 0
                                    

John Mark's POV

3 days na bago iyun mangyari. Kinuwento ko yun kay Kuya at tinumbs up naman nya ako. Sa loob ng tatlong araw nagkangingitian kaming dalawa. Minsan nag-uusap at minsan tinutulungan nya ako sa homeworks ko. Ganun din ang ginagawa ko sa kanya, kaya ito akong si kilig kapag nakatalikod minsan si Raven o minsan kapag wala sya, tinatago ko ang mukha ko sa desk habang nakatungo at duon ako kikiligin, para na tuloy akong babae

"Ano nang balita bro?" tanong sakin ni Clarence

"Ito. Nawawala na yung torpe ko" Saad ko sa tanong nya

"Bat ikaw, may love life ka na Clarence?" Ani Kuya

"Wala pero may crush ako!!" sabi nya

"Nabakla na siguro ito. Wag kang lalapit dyan JM. Kesa na maging torpe ka pa baka mahawa ka sa kabaklaan" Ani Kuya at sinuntok naman sya ni Clarence sa tagiliran

"Hoy hindi ako bakla nohh. Sa dami daming nagkakagusto saking babae. Magiging bakla ako. Sayang naman kagwapuhan ko" Ani Clarence na nagpapakahangin nanaman

"Napakahangin noh JM. Nakajacket ka pa naman. Siguro ramdam mo" Ani Kuya tapos tumango nalang ako at nagpatuloy sila sa pagaaway

"Bes narinig mo ba na may shota na daw si Raven Castillo"

"Oo nga ang pogi daw nun!"

"Anong pangalan Bes!!"

"Kyle Natividad daw??"

"Sayang sya may shota na"

"Bagay kaya sila. Perfect couple!!!"

"Oo nga Bagay talaga sila"

Narinig ko bigla ang usapan ng mga babae sa likod ko at para akong sinaksak ng ilang mga kutsilyo sa dibdib ko nung narinig ko yun. May shota na sya? Tapos hindi ko pa alam. Napatingin sakin ang dalawang kaibigan ko na parang alam nila na nasasaktan ako ngayon.

"Rumors lang yan tol!! Mga chismosa yang mga yan" Sabi ni Kuya ng pabulong sakin

"Oo nga naman. Di pa naman natin nakikita yung dalawa. Di nga natin kilala yung Kyle Natividad na yun" Saad ni Clarence at tinapik ako sa likod

"Oo nga. Baka fake news yun. Famous tayo tapos di natin kilala yun" Ani Kuya habang nakapoker face, feeling famous pwede pa ata.

"Think positive lang bro ha?!" Saad ni Clarence habang nakangiti

Oo nga Baka fake news lang yun

Pero paano kapag totoo na may shota talaga si Raven?

Sino ba talaga si Kyle Natividad?

Shota ba talaga sya si Raven??

No no... Think positive lang. Think positive

~• SKIP TIME BY

"Ok Class pipili ako ng dalawang maglilinis ng classroom ngayon at sila ay siii...."ani Teacher

"Ahh!! Si Raven at Si John Mark, ok class ended!! At kayong dalawa! Maglinis!!" Nagsitayuan na ang lahat at nagsilabasan na din. Sabi sakin ni kuya hihintayin daw nya ako sa kotse,  matutulog ata sya.

At ngayon na naglilinis na kami, sobrang awkward. As in nakakabingi ang katahimikan tapos walang may gustong magsalita, hays

"JM??" Pagsisimula nya ng topic at buti naman at nagsalita na sya sakjn

"Ohh?!"

"Siguro kapag nag-ayos ka, magiging gwapo ka"

Deep inlove with you!!~Donde viven las historias. Descúbrelo ahora