Chapter 65. Happy Monthsary

2K 47 18
                                    

KATH's POV

"Oh, nakabusangot ka na naman dyan? Alam mo, sinisira mo lang yang araw mo sa kakaisip ng kung ano ano!" Julia to me. Si Diego, napailing na lang. We're having lunch. For the nth time, third wheel na naman ako sa dalawang 'to. Eh paano, laging busy si DJ.

"Bessy, if you're on my place, magiging chill ka lang ba?" tanong ko.

"Definitely not!"

"See? That's my point."

Natahimik siya don. She forgot na hindi naman siya ang nakararanas ng prinoproblema ko ngayon. She gave me an apologetic look.

"Anong plano mo?" tanong nalang nito.

"I don't know... Tama ka, lagi na lang sira ang araw ko dahil sa kakaisip ng kung ano ano. Pero masisisi niyo ba 'ko? Hindi ako mapakali, hindi mapanatag ang loob ko kahit okay kami ni DJ. Hindi ako matatahimik hangga't hindi natatapos yang project na yan... Hangga't hindi umaalis yang Michelle na yan! I don't know what to do! Ayokong magmukhang over possessive kay DJ but it happens, all the time."

"Kasi may past sila..." sabi ni Diego. "Are you threatened, Kath?"

Ako naman ang natahimik sa kakadada. I'm thinking of what to answer but the truth is...

"Y-yes..." sabay tungo ko.

"Bakit? Kath, ikaw ang mahal ni DJ."

"Na--natatakot lang ako sa pwedeng gawin ni Michelle..." sagot ko.

"Totoo magmahal si DJ. If you can't trust that girl, at least, trust your boyfriend. Intindihin mo na lang muna na naiipit rin si DJ sa sitwasyon ngayon. For sure he'll refuse kung kaya niya. But then, it was orders from his Dad kaya hindi siya makatanggi. And I know, he woudn't want you to be sad as well."

"And, Bessy... Do you really think na may balak gawin si Michelle, o naiisip mo lang yon? Baka kasi... Isip mo lang yung nagpapagulo sa sitwasyon."

I got her point, but that bitch... I know she'll do something.

"Julia... Nakalimutan mo na atang babae ka? I don't have to answer that question."

"Sabagay... I don't trust her din naman."

"Hey... Kayong dalawa... I know girls will always be girls. And I understand that you'll be both bias with each other. Basta, walang away hangga't maari ha?" biglang singit ni Diego.

"Aynako Diegs, pinairal mo na naman yang pagiging lalake mo para lang makalabas ka sa issue." kumento ni Julia sabay irap.

"It's not that. Iba lang kasi pag away babae na."

"Oh ipagtatanggol mo pa eh. Ano bang say mo sa Michelle na yan? Sige nga." Julia. / Napatingin lang ako.

"Sinaktan niya ang kaibigan ko."

"Then? That's it?"

"Yes. Sapat na rason na yon para tanggalin siya sa buhay ko."

"Ang labo mo." Julia.

Natawa si Diego. "When she came back, nakita mo ba kaming nag-usap as if we're still friends? Hindi diba? Hindi ko siya kailangang awayin para lang ipakita na hindi lang si DJ ang nawala sa kanya."

Fell In Love With Your SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon