Chapter 53. Her Story: Revealed *Part 1

4.4K 37 8
                                    

Huwaaaa. Ang tagal kong di nakapag-UD dito. Hahaha! I miss you guys!

Salamat nga pala sa mga readers ko ng story na 'to. :)

At sorry sa hindi ko pag-update ng matagal.

Hello batmanandbatgirl! Wish granted! Hope you like it. :)

So here it is... Enjoy! :)

________________________________________________________

DJ's POV

*yaaaaawn.

O____________________-

-____________________O

Lingon sa kanan. Inat.

Teka, nasaan na yung katabi ko? Bakit nawala? Hmmm... Napayakap na lang ako sa unan habang inaalala ang mga nangyari kagabi. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

Hindi pa man niya sinasabing mahal niya ako, pero ramdam ko yun kagabi. Ramdam na ramdam ko. Ang sarap pala sa pakiramdam! Parang ayaw ko na siyang pakawalan sa mga yakap ko. Yung mga halik niya, yung mga yakap at haplos niya sapat na para maramdaman kong may nagmamahal ng totoo sa akin. Aiish. Makeso.

Sa ilang beses na naming naranasang matulog ng magkatabi, masasabi kong kagabi ang pinag-sweet. Ewan. Kinikilig ako. Hahaha. Pambakla. Pfft.

Bumagon na ako at naligo agad. Sigurado naman ako nasa labas lang si Kath eh. At paniguradong hindi lang ako nun ginising. Hahaha! Eh dapat nga ginising na niya ako kasi sabi niya sa akin kahapon na samahan ko daw siya sa bayan kasi mamamalengke!

Yung babaeng yun talaga oh.

Tiningnan ko ang orasan habang nagsusuklay ako. 7AM. Ang aga pa. Tama lang siguro 'tong gising ko. Hindi pa naman siguro marami ang tao sa bayan.

Sa kalagitnaan ng pagaayos ko, napako na naman ang atensyon ko sa mahiwagang baul ni Kath sa tabi ng kama niya.

Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ayaw niyang buksan yun. Sa katunayan, ilang beses ko na siyang kinulit, at ilang beses ko na ring tinangkang buksan yun. Kaso wala e, hindi ko talaga kaya. Nacu-curious lang kasi ako.

Ayoko rin naman siyang pangunahan kasi baka magalit lang siya sa'kin. Ayoko nga nun.

Hindi na nga bale, ipapakita rin naman siguro niya sa akin yun.

Palabas na sana ako ng kwarto nang biglang may kumatok at binuksan ang pinto. Napalingon naman ako.

"Oh iho, gising ka na pala. Kapag nagugugtom ka nasa kusina lang ako." sabi ni Tita. Ngumiti naman ako.

"Good morning Tita, si Kath nga ho pala? Sabi niya po kasi mamamalengke daw po kami." tanong ko at nagre-ready na para lumabas.

"Ahh. Hahaha! Nako, umalis na e. Kasama mga kapatid niya." Ayy ? :( "Fiesta kasi ngayon DJ, panigurado marami na agad tao sa bayan. Ayaw ka naman niyang gisingin kasi alam niyang pagod ka pa sa lakad niyo kahapon. Eh ang sabi niya, sabihin ko na lang daw sa'yo kapag nagising ka na. Tamu nga o, at nagkakagulo na sina Luis at yung mga kumpare niya dun sa labas para sa mga lulutuing putahe." magiliw pang pagkekwento ni Tita.

"Ah ganun ho pa. Pasensya na po. Hindi ko natulungan si Kath." napa-pout pa ako. Eh bakit kasi hindi ako ginising? :((( Natawa na lang sa akin si Tita.

Fell In Love With Your SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon