Chapter 60

28.7K 610 31
                                    

Author's POV




Ilang araw ng sinusundan ng mga magkakaibigan ( girls ) ang mga pinagsu-suspetsyahan nila. At kasama na doon ang ilang estudyante pati na din ang ilang mga guro, coaches, at ibang empleyado.






"Kahapon pa natin sila sinusundan. Wala pa din tayong nasasagap na balita" reklamo ni Sophie. Nakaupo sila ngayon sa bench ng park.






Tama. Dahil kahapon pa sila mukhang tanga sa kakasunod kung saan-saan ito magpunta. Kaya nga nagmu-mukha na silang obsess stalker sa tingin ng iba.






Tiningnan sya ni Yanny "Para malaman natin kung ano talaga ang nangyayare. Para din naman saten ito"


"Yun na nga eh. Paano kung ayaw nilang ipaalam. Mahirap yun" dugtong ni Lianne


"Kailangan natin" singit ni Bree


"Kailangan ng alin?" tanong ni Sophie


"Kailangan na nating umalis" tumayo na si Bree "Look" at tinuro ang isang grupo ng mga babae sa di kalayuan.





Agad namang napatayo ang magkakaibigan. Bigla silang nakaramdam ng saya. Mukhang makakasagap na din sila sa wakas ng balita.


------


"Nakita na nila tayo" mahinang sabi ni Clover


"Magaling. Tara na. Siguradong susundan nila tayo" sabi naman ni Valerian





Nagsimula na silang maglakad. At natuwa sila dahil tama ang hinala nila. Nakasunod ang magkakaibigan sa kanila.




Dahil sa kakalakad ay nakarating na sila sa park. Nakahanda na lahat ng kakailanganin nila. Ang kulang na lang ay ang mga subject nila para sa kanilang inihandang bitag.





"Ano ito?" narinig nilang usal ni Yanny






Napansin na kasi nito ang inihanda nila. Ito ay isang malaking puno. May limang magkakasunod na puno. At sa bawat puno ay may mga nakaukit na pangalan. At ang mga pangalang iyon ay sa kanila.






"Bakit?" iyon lang ang nasabi ni Mitch






Napansin din kasi nila na di lang pangalan nila ang nakaukit sa puno. May ibang pangalan pero puro initials lang.




Tahimik na nagtatago sina Valerian at ang mga kasamahan nito. Hindi na nga sila napansin nina Bree dahil naging okupado na ang mga isip nito sa kanilang nakikita.





"Hindi ko maintindihan" sambit ni Lianne habang hinahaplos ang pangalan nyang nakaukit sa puno






Napapailing na lang si Bree dahil maski sya ay walang maintindihan. May mga hinala na sya pero sa kanyang nakikita ngayon ay parang bigla itong naglaho na parang bula.




Lahat sila ay naguguluhan habang pinagmamasdan ang mga pangalan nila nang biglang tumunog ang phone ni Bree.





KRING KRING KRING





Agad namang sinagot nya ito. Ganun na lang ang pagkagulat nya ng malaman nya kung kaninong boses ang nagmamay-ari nito.




(Is it clear to all of you now?) boses iyon ni Ms. Okia, ang librarian ng paaralang pinapasukan nya


"Ms. O-okia?" di makapaniwalang sambit ni Bree



TOOT TOOT TOOT




Clash: Casanovas vs. AmazonasWhere stories live. Discover now