Chapter 51

45.6K 718 71
                                    

Yanny's POV






Sh*t! Bakit ngayon pa sya nagpakita. Wrong timing naman sya eh. Ano nang gagawin namin? Di pa nga namin naso-solusyunan ang problema ni Lianne meron na naman bago. At ang masama may kinalaman pa rin  kay Lianne. Ang taong pinakaaayawan nyang makita. Si kuya Bricks






"Sa mall ko sya nakita" aligagang sabi ni Sophie


"Kinausap mo ba sya?" tanong ko


Umiling lang si Sophie "Paano ko naman sya kakausapin? Nabigla ako nung nakita ko sya. Kaya tinakbuhan ko na lang sya"






Napaupo na lang ako dito sa may bench katabi ni Sophie. Nakatayo lang si Bree na tahimik na nakikinig samen habang si Mitch ay himalang nakikinig lang.






"We need to make a move" anunsyo ni Bree


"How?" tanong ni Sophie


"Kailangan nating kausapin si kuya Bricks. Kinakailangang wag sya munang magpapakita kay Lianne. Mas magiging komplikado ang sitwasyon" paliwanag ni Bree


"Paano natin sya makakausap? Masyado na tayong busy. Dahil ilang araw na lang ay foundation day na natin" singit ni Mitch






Sobrang naninibago ako kay Mitch ngayon. Simula kasi nung umalis sya ay naging mature na syang mag-isip. Nakakakuha na din kami ng matinong advice galing sa kanya.






Tumango si Bree sa sinabi ni Mitch "Yun na nga ang isa pang problema. Wala na tayong oras. Anytime soon uuwi na din si Lianne. Di ko alam kung anong magiging reaksyon nya"






Magsasalita na sana ako nang may bigla kaming narinig na usapan na di kalayuan sa pwesto namin ngayon.






"Teka? Sino yun?" takang tanong ko. Ang mga estudyante kasi ngayon ay busy sa pag-aayos ng mga events. How come na may ibang tao dito?


"I don't know. Tingnan natin" sabi ni Sophie






Naglakad-lakad kami sa may corridor. Pinapakiramdaman kung saan nanggagaling ang usapan. Nakarating kami sa isang silid na di kalayuan sa pwesto namin kanina.






"So, paano ba yan? Solve na ang problema ko"  sabi ng isang boses na medyo pamilyar saken


"Siguro nga solve na ang problema mo pero nakasisigurado akong malapit ko na ding mafulfill ang aken" sabi naman ng isa pang babae


"Knowing them. Nasa denial stage na sila. Kaya hindi malayong matapos na ang trabaho natin" sabi naman ng isa pa. Iba-iba kasi ang mga boses na naririnig ko pero sigurado akong babaeng boses yun


"Di lang dahil dun. Kaya nga nabansagan tayong 'most wanted', right?" ibang boses naman


"Yeah, right. Tama ka dyan. Teka?" sabi ng isa.






Napansin niya ata kami kasi nakasilip kami sa maliit na siwang sa bintana. Di namin makita ang mukha nila kasi nakaside-view sila. Yung nakapansin naman samen ay nakaharap pero natatabunan ang bibig at mata nya.






"Sh*t!" mura ng nakakita samen "Don't move" sabi nya sa kasamahan nya dahil konting galaw lang nila ay makikita na ang mukha nila.






Tiningnan namin kung ano ang susunod nilang gagawin pero nanatili lang sila sa mga pwesto nila. That's weird. Pinilit kong tingnan ang iba pa pero di ko talaga maaninag ang mukha nila. Pero nagtataka ako na isa sa kanila ay nakasuot ng teacher's uniform.






Clash: Casanovas vs. AmazonasWhere stories live. Discover now