[TULA] Tanga

594 7 2
                                    

TANGA

Tanga ako sapagkat ako'y naniwala

Sa mga matatamis mong salita

Sa pag-aaruga't pagmamahal mo

Tugon pala ay pagkakaibigan lamang.

Tanga ako sapagkat ako'y nagmahal

Umibig sa iyong katauhan

Naniwala sa iyo at umasa sa lahat

Na pawang pagbabalatkayo lamang. 

Sana'y masabi mo rin tulad ko

Na ika'y tanga sa pagiging bulag

Pagkat katabi mo lamang

Ang tunay na nagmamahal ng lubusan. 

by:Meyh Lin 4/2/03

sweetelude©2003 

POEMS: the old notebookWhere stories live. Discover now