Chapter 6

18 0 1
                                    

Alaina's POV:

And just like that, I became the fake girlfriend to Sandro but only in his Lola's eyes. Kinunsensya niya akong magdadamdam ang matanda at magtatampo kapag nalamang wala pa ring girlfriend ang apo. Tall and handsome tapos wala pa ring girlfriend? Suspicious. Di kaya bakla talaga si kuya mo?

"So bakit nga ba wala ka pa ring Girlfriend?" I asked Sandro nang tuluyang makaalis ang matanda, leaving me alone with him.

Nag kibit siya ng balikat at umupo sa tabi ko. "I dont know. Maybe I'm still waiting for her." Her? Does that mean its safe to say na babae naman talaga gusto nya? Hindi ko maiwasang hindi mapaisip.

Usually yung mga ganitong tipo ng lalake is fuckboy. "So babae?" I blurted out accidentally. Wala na. Nasabi ko na. It's too late to take it back.

"What?"

I looked away, "Sabi mo her. I mean... babae. Ganun." Hindi ko alam pano ko ipapaliwanag ang sarili ko o pano ko lulusutan ito.

"What? Are you taking me for a gay?" Seryosong tanong niya. Hindi ko alam kung naiinis ba siya. Well may karapatan naman talaga siyang mainis. Di na ko magugulat kung bigla niya akong sabunutan.

Tumango nalang ako. May ilang segundo siyang nakatitig saakin pag katapos ay humagalpak ng tawa. "If kiss is all you're asking, just ask away. I'll kiss you without second thoughts." Natatawang sabi nito.

Nanlaki ang dalawa kong mata sa narinig. "What?"

"Hindi ba iyon ang sinasabi ng ibang babae pag tinutukso nilang bakla ang isang lalake? They wanted a kiss? I mean of course to prove na hindi bakla ang isang lalake?" He smirked.

I rolled my eyes at him. "Very funny. I have to go." Tumayo ako pero bago pa ako makalakad ay pinigilan niya ako at hinawakan ang kamay ko. "I want to let you know that I'm serious." Ani niya.

Kumunot ang noo ko, "serious with what? With you not being gay?" Natatawa kong sabi.

"No. About the kiss. Just ask." Seryosong sabi nito.

Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko. Mabilis kong hinila ang kamay ko at tumakbo palabas ng pinto. I cant stay there for another minute, or else matutunaw ako. NApaka playboy niya!

Pag uwi ko sa nirerentahang apartment ay sinalubong ako ng landlady. "Alaina, may delivery para sayo." Iniabot nito ang isang malaking kahon na naka gift wrap. Kinuha ko naman iyon at nag pasalamat sa matanda pag katapos ay dumiretso sa kwarto. Kanino kaya ito galing? Hindi ko naman birthday. Iisipin ko sanang hindi to para saakin pero nakalagay ang buong pangalan ko sa card na nakadikit.

Kinuha ko iyon at binasa:

"To the lovely girl who made my grandson smile, take this small gift as a token of my appreciation. Use it well for your study. Hurry and graduate soon so I can meet my great grandchild. - Lola Emmie"

Pinamulahan ako ng muka sa nabasa. She's a very sweet old lady. Malayong malayo sa librong nabasa ko. It would break my heart kapag nalaman niyang nag sisinungaling kaming dalawa sa kaniya. I dismiss the thought. We can always say na we broke up and decided we're not meant for each other. Nag kibit ako ng balikat at marahang binuksan ang regalo. Laptop! Laptop ang laman ng regalo! This is too much. Pero i have to admit, kailangan ko to para sa pag aaral ko. I have decided n isasauli ko to para malinis ang kunsensya ko. Nag iipon na rin naman ako para makabili ng laptop kahit second hand lang.

Pero natigilan ako, how did the old lady knew my full name and address? Napa roll eyes nalang talaga ako. Damn rich people.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Can I date the dictator's grandchild? Where stories live. Discover now