chapter 3

47 1 2
                                    


Nang makarating sila sa floor ng unit ni Sandro at itinuro ng binata ang daan habang naka-akbay ito sa dalaga. Nang makarating sa pinto ay sinusian ni Sandro ito at pumasok sila sa loob. When Sandro switched on the light, she noticed that the room was very spacious at napakalinis. Inihiga niya ang binata sa 8-sitter na sofa at iniwan ito para kumuha ng tubig.


"Sosyal ng kusina ha, parang iyong sa mga teleserye." Bulong niya habang kumuha ng baso at binuksan ang malaking refrigerator para kumuha ng maiinom. Kakaunti lang ang laman ng ref ng binate at halos puro microwavable ang naandoon. Napailing siya, isinara ang ref at tumakbo sa binate para painumin ito ng tubig. She needs to go home and get some sleep dahil ilang araw nalang ay finals na nila. She needs to maintain her grades.


Inalalayan niya ulo nito para makainom ng tubig at muling inihiga. His cheeks are tainted red as if he's blushing, probably from too much alcohol intake. He was breathing heavily na para bang init na init ito. He was almost bathing from his own sweat and it is too much for Alaina to take. Ang plano niya ay dalhin lang ang binata sa bahay nito at iwan na ito pero anong ginagawa niya ngayon? She was about to stand up ng hawakan ng binata ang kamay niya at pigilan ito.


"D-don't leave. Take me to my room, please." He said, almost a whisper.


Huminga ng malalim si Alaina, ano bang meron sa lalakeng ito at hindi siya maka-hindi? "Gaano ba kasi karami ininom mo?" ani niya habang tinulungang tumayo ang binata.


"T-two. Just two." Sinapo-sapo ng binata ang ulo nito at muling umakbay sa dalaga.


"Ano? Dalawa lang ininom mo tapos ganyan ka na?Ayan kase, iinom-inom tapos hindi naman kaya." hindi siya makapaniwala sa sinabing iyon ni Sandro. Kala mo naman kung sinong high and mighty, hindi naman pala marunong uminom.


"You're making my headache worse; just take me to my room please." He pleaded. Wala na itong oras makipag talo sa dalaga.


Pagbukas ng pinto ay nanlula si Alaina sa laki ng kwartong iyon. "Sigurado kang hindi ka prinsipe?" manghang sabi niya sa binata habang inihiga ito sa king size bed.


"What are you saying? You're being absurd." Inis na sabi ng binata at nag simulang tanggalin ang botones ng suot na polo na halatang hirap na hirap ito.


Matagal na tinitigan ni Alaina si Sandro. He was like a baby who's having a hard time unbuttoning his clothes. Napakamot nalang sa ulo si Alaina at umupo sa tabi nito.


"Ano ba naman to. Ako na nga." But at the back of her mind, pakiramdam niya ay tatalon siya sa tuwa. Kahit sinong babae ay gugustuhing makipag palit ng posisyon sa kaniya ngayon. Bahagya siyang pinamulahan ng muka. Kailan pa siya naging manyakis?


Napansin siguro ni Sandro na nag b-blush siya kaya natawa ito. "Aha! You're thinking something perverted!" ani nito.


Kumunot ang noo ni Alaina at tinitigan ng masama ang binata. "Hoy ikaw, manahimik ka nga diyan kung ayaw mong suntukin kita sa muka." After she unbutton his clothes, isinabit niya ang polo nito sa sandalan ng upuan. Basa na ito ng pawis at kailangan ng bagong preskong damit ng binata.


"I'm already beaten black and blue and yet you're threatening to beat me again?" he gently chuckles.

 

Isa-isa niyang binuklat ang drawers at kumuha ng t-shirt at bimpo. Pinunasan niya muna ng pawis ang binata at saka isinuot ang t-shirt nito.


"Asan ang first aid kit mo?" tanong niya matapos tulungang humiga ang binata.


"I don't have that."


"Ano? Anong klaseng bahay to. Wala namang first aid kit." She rolled her eyes.


"I can always go to the hospital you know and besides, these are nothing." Ang tinutukoy nito ay ang mga pasa at sugat sa muka at katawan.


"Kahit na, mas mabuti paring may first aid kit ka. Better be safe than sorry." Pagalit niya at lumabas ng kwarto.


Pagbalik niya ay may dala na siyang yelo at pinulupot iyon sa bimpo. "Hold this and place this under your eyes. I'll be back."


"Where are you going?" tanong nito habang sinunod ang sinabi niya.


"May nakita akong 7/11 sa baba kanina. Bibili lang ako ng pang first aid para sayo."


"You'll be back right?" there was something in his eyes that Alaina could not name. She can hear her heart pounding so loud at pakiramdam niya ay mabibingi siya sa lakas ng tibok niyon. Isang tango lang ang sinagot niya at nag madaling lumabas.


Matapos bumili ng mga kailangan ay tumakbo siya pabalik sa unit ng binata. Gusto niyang sapakin ang sarili dahil gumastos nanaman siya. Dapat humingi siya ng pangbili sa binata at hindi iyong pera niya ang ginagamit niya.


"Gising ka pa ba?" tanong niya ng makabalik siya. She sat down on the bed next to him and began cleaning his wounds.


"How can I sleep? You're not back yet." He said almost a whisper. Dama niyang pagod na pagod ito.


"Sige na, matulog ka na. Gagamutin ko lang itong mga sugat mo." She smiled while stroking his soft hair. Kung marunong lang sana siya ng karate or martial arts ay reresbakan niya ang mga gumawa nito sa binata. But she was no one special at someone who is worthless.


Nakaramdam na siya ng antok habang ginagamot ang sugat ni Sandro and before she knew it, nakatulog siya sa tabi nito. Bukas...Bukas na niya pro-problemahin lahat ng ito... for now, she needs to sleep.


A/n: sorry, still raw. di ko pa nacheck at na-edit. I just need to upload this chapter tonight. 

Can I date the dictator's grandchild? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon