Wattpad Originale
Il reste 1 Chapitre gratuit

Chapter 4

158K 2.3K 65
                                    


"ANG lagkit sa pakiramdam." Jacko complained but the elation he'd felt is very visible in his voice.

"Yeah. I still could feel the sticky mess in my undies, but feeling pretty damn good about it," Kels giggled. Idinikit ni Jacko ang bibig sa likod ng tainga ni Kels habang sakay sila ng kabayo pababa ng burol. Ipinikit ni Kels ang mata at mas isiniksik ang sarili sa katawan ng binata. His hot breath felt good on her skin. Sa pagkakataon na ito ay nakasampa siya sa kabayo katulad ng pagkakaupo ni Jacko at hindi pa-queenly na upo. Nasa harapan siya ni Jacko.

"Thank you, Kels."

Kels smiled, inabot niya ang pisngi ni Jacko at hinaplos iyon. Wala siyang maramdamang pagsisisi sa ginagawa niya. Hindi niya alam kung bakit pero masaya siyang naipapa-experience kay Jacko ang mga bagay na dapat ay nararanasan nito pero ipinagkakait dito. Ramdam niyang masaya si Jacko at masaya siya na parte siya ng kagalakan nito ngayon.

"Maniningil ako nang malaki, Jacko," biro niya sa binata na marahan nitong ikinatawa.

"Kahit ano."

"Sabi mo 'yan, ah?"

IBINABA siya ni Jacko sa kabayo nang nasa tapat na sila ng mansiyon. They stood face-to-face without a word. They were just looking into each other's eyes as their bodies were very close to each other.

"Jacko!"

They both snapped to attention at the interruption of a woman's cheerful voice. Patakbo itong lumapit sa binata at mahigpit na yumakap. Agad na tumikwas ang mga kilay ni Kels. Sino naman ang babaeng ito. Akala ba niya walang babaeng gustong lumapit sa lalaking ito, eh, bakit kung kumunyapit ito parang tuko?

"Tricia!" Ilang sandali nagyakap ang dalawa bago pinaghiwalay ang mga katawan.

"Nandito ka. Sino ang kasama mo? Kailan ka dumating?"

"Si Nanay Solidad, pero umalis lang muna sandali kasama si Aling Laura. Pupunta raw sila sa palengke para ipagluto ka ng paborito mo."

"Kasama mo si Nanay?" Na-excite si Jacko sa narinig.

"Oo, na-miss ka na niya at syempre ako rin."

"Na-miss ko na rin kayo. Marami lang talagang trabaho kaya hindi ako makaluwas."

"Weh? Mukhang iba naman ang dahilan ng pagiging abala mo, eh. May nabalitaan kami ni Nanay Solidad. Naku, Jacko, ah. Huwag nagpapauto sa mga babae." Na-sense agad ni Kels na siya ang tinutukoy nito.

Pinisil ni Jacko ang pisngi ng babae. "Sa 'yo lang ako magpapauto." Malanding bumingisngis ang babae. Humalukipkip si Kels at tumikhim para kunin ang atensiyon ng dalawa. Tumaas ang kilay ng babae at agad na yumakap sa braso ni Jacko nang makita siya. Mula ulo hanggang paa ay pinasadahan siya ng nanunuri nitong mga mata.

"Nga pala, si Kels, kaibigan ko. Kels, siya si Tricia." Humigpit ang pagkakahawak ni Tricia sa braso ni Jacko, idinikit pa nito ang gilid ng mukha sa braso ng lalaki.

"Hello," tipid na bati ni Tricia na sinagot niya ng tipid na ngiti.

"I have to go, Jacko, baka hinahanap na rin ako ni Dad. Magkita na lang ulit tayo bukas. Sa dati, ah? Ituloy natin ang exciting na ginawa natin kanina." Bahagyang umawang ang labi ni Jacko dahil sa sinabi ni Kels na ikinabungisngis niya. Kitang-kita ang pamumula ng pisngi ng binata. Ang cute talaga ng lalaking ito.

"Ihahatid na kita."

"Hindi na. Kailangan mo pang magpalit 'di ba?" Nanunukso niyang paalala kay Jacko. She let her gaze wander down his frame and stopping to his bulge. Nagkamot ang lalaki sa ulo at bahagyang ngumiwi.

Wonted HeatOù les histoires vivent. Découvrez maintenant