Wattpad Original
There are 2 more free parts

Chapter 3

170K 2.7K 104
                                    

HINAPLOS ni Jacko ang sariling labi habang nakatingin sa salamin na nasa kanyang silid. Hindi siya makapaniwala. Sa unang pagkakataon ng buhay niya ay nalapatan na rin ng labi ng isang babae ang kanyang mga labi at sa isa pang napakagandang babae. Hindi iyon isang simpleng halik lang. It was passionate. Bawat gagad niya sa labi ni Kels ay walang pag-aalinlangan nitong tinanggap at sinabayan iyon. Walang pangdidiri. Ramdam niyang nagustahan din ng dalaga ang pinagsaluhan nila. Wala pa siyang nahahalikan pero para siyang eksperto sa ganoong bagay kanina. Natural na lumabas ang kaalaman niya sa pakikipaghalikan na para bang normal na niyang gawain.

Naguguluhan siya kung bakit siya hinalikan ni Kels kaya tinanong niya ito tungkol sa bagay na iyon. Ayon sa babae ay kawawa naman daw siya kung mawawala sa mundo na hindi man lang nakakatikim ng halik. Ang saklap daw na mamatay ng birhen pero mas masaklap kung kahit isang halik ay hindi niya mararanasan. Willing pa raw itong magpahalik sa kanya sa susunod na pagkikita nila.

Pwede raw niya itong pag-practice-an. Hindi naman raw ito maselan. Ang babaeng iyon. Masyadong liberated. Hindi man lang nandiri sa itsura niya. E, samantalang ang mga bayarang babae sa club na napuntahan niya'y kay aarte kahit hindi rin naman kagandahan. Diring-diri sa kanya. Kahit na raw magtakip pa siya ng mukha ay hindi siya papatulan.

Masakit na makarinig ng ganoon. Hindi naman direktang sinabi sa kanya iyon. Narinig lang niya habang kinakausap ng floor manager ng club na pinupuntahan niya ang babaeng kursunada niya sana. Akala niya noon dahil may pera na siya makukuha niya ang gusto niya. Ang babaeng magugustuhan niya kahit ganito ang itsura niya. Totoong nasaktan siya sa narinig na iyon mula sa isang babae, pero wala iyon kumpara sa naranasan niya noong kolehiyo siya dahil sa itsura siya.

Hinaplos ni Jacko ang panget na mukha. Maraming nagsuhesyon na ipa-plastic surgery ito. Kaya niya naman sa dami ng pera niya, pero hindi niya gusto. Sa itsura niyang ito, doon niya nakikilala ang mga totoong tao; ang mga totoong kaibigan. Hindi niya gugustuhin na may magmamahal sa kanya dahil lang sa magandang lalaki siya.

Noon, sinabi niya sa kanyang sarili na kung sino man ang babaeng magmamahal sa kanya sa kabila ng kanyang itsura ay hinding-hinding na niya pakakawalan. Aalukin niya agad ng kasal. Pero ang tanong, may magkakamali nga ba? Kahit may pinag-aralan siya, kahit nakapagtapos pa siya sa Unibersidad ng Pilipinas — ang prestihiyosong paaralan ng pitong Presidente ng Pilipinas, 13 Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas, 38 Pambansang Alagad ng Sining, at 34 Pambansang Siyentista ng Pilipinas — bilang summa cum laude sa kursong BS in Accountancy ay wala pa rin magkakamaling babaeng gugustuhin siyang pakasalanan.

Si Kels! Pagak na tumawa si Jacko sa sariling naisip. Ano ba ang iniisip niya? Kakaiba lang talaga ang babaeng iyon pero siguradong hinding-hindi siya magugustuhan nito. Kels is liberated. Gabi-gabi siguradong laman ito ng mga nightclub at baka iba-ibang lalaki pa ang nakaka-hook-up nito— iyong mga gwapo at walang kapansanang katulad niya.

Tinungo ni Jacko ang pinto, pinatay ang ilaw bago nahiga sa kama. Itinuon niya ang mata sa kisame. Wala siyang makita kundi dilim. Kakatwa na parang naging isang malaking screen iyon. Nakikita niya sa kanyang imahinasyon ang naganap sa burol kanina. Hindi iyon mawala sa isip niya. Napakasarap ni Kels humalik. Para siyang dinala sa langit saglit. Kung hindi niya siguro tinapos ang halik na iyon ay baka nilabasan na siya sa pantalon kanina.

Iyon ang dahilan kung bakit minabuti niyang ihiwalay ang labi niya sa labi ng dalaga kahit hindi pa niya gusto lalo't tila wala ring balak si Kels na tapusin iyon. Hindi niya maintindihan ang sarili. Iyong pagkalalaki niya kanina parang sasabog na. Halik pa lang iyon pero ganoon na ang naramdamam niya. Hindi iyon kataka-taka dahil wala pa naman siyang karanasan sa pakikipagsiping. Tanging kamay niya ang gamit niya para parausin ang sarili at iyon nga ang ginawa niya kanina pag-uwi niya. Inilabas niya ang init ng kanyang katawan na nararamdaman para sa dalaga.

Wonted HeatWhere stories live. Discover now