4

38 4 1
                                    

Jase P.O.V

Sunday na ngayon at kahapon lang ang audition sobrang nakakabahan na ako tatawagan daw kasi kami kung nakapasok kami. At eto nakatingin lang sa cellphone baka tumawag na.

Ringgggg

“Hello” sagot ko agad.

“Ohh Jase musta?” sabi ni Nolan. Kabarkada rin namin ni Tyler.

“Tsss akala ko pa naman. Bwisit ka” sabi ko

“HAHAHA parehas talga kayo ni Ty-“

Toot toot

Binabaan ko na siya alam naman niya na may iniintay kami na tawag bwisit. Ako rin naman ang may kasalanan hindi ko kasi tinitignan kung sino yung tumatawag. Sobrang excited na kasi ako ganon lang talga ako ka desperado na makapasok doon.

Ringggg

“Hello” sagot ko agad.

“Hello Pare musta?” hayy nakakabwisit na tong dalawa na toh. Si Matt. Isa rin namin kabarkada.

Toot Toot

Binabaan ko rin. Ano ba yan hindi ko nanaman tinitignan. Bwisit tong dalawang ito pinagtritripan nanaman kami.

Ringgg

Tinignan ko kung sino yung tumawag. Pero unregistered number.

“Hoy Nolan at Matt tigilan nyo na ako may hinihintay ako na tawag” sigaw ko.

“Ahmm hindi po ito sina Jude at Matt ito po yung sa Music Camp” Putekk na yan sa Music Camp pala ito akala ko pinalitan nila yung number para bwisitin kami.

“Ayy sorry po akala ko po yung mga kaibigan ko po” sabi ko -_-+ lagot talga sa akin yung dalawa na yun.

“Ok lang sasabihin ko lang naman po na nakapasok po kayo sa Top 10”

“TALAGA?” sabi ko na pasigaw.

“Opo Congrats po sa Monday po pumunta na po kayo sa Main Building” sabi niya.

“Salamat”

Hindi pa rin ako makapaniwala na nakapasok ako. Nanaginip ba ako buhusan nyo nga ako ng malamig na tubig syempre joke lang noh. Pero eto lang masasabi ko Yess!! At sabay talon.

“MA, Chelsea” sigaw ko palabas ng kwarto ko at papunta kala Chelsea na nasa kusina.

“Ohh ano ba yun Jase?” sabi ni Mama.

“OO nga kuya ano ba yun?” sabi naman ni Chelsea na naka cross arms nagluluto kasi sila.

“Ma nakapasok na ako sa Music Camp”

“Ohh yun lang naman pala” sabi ni Mama. Tapos parang nag sink in palang yung sinabi ko sa kanya na biglang.

“TALAGA ANAK?” sigaw ni Mama.

“Opo” sabi ko

“WAHHHH CONGRATS KUYAAAAAAAAAAAA” sabi ni Chelsea na biglang tumatalon talon na.

“Salamat”

Hinug ako ni Chelsea tapos binuhat ko siya na nakayakap pa rin sa kanya “Galing talgani kuya kaya idol kita eh” sabi naman niya tapos halik sa pisngi ko.

Nakihug na rin si mama sa amin. “Congrats Anak” sabi niya na sobrang tuwa.Alam kasi nila na dati ko pang gusto na makapasok doon sa Music Camp.

“Dapat sabihin natin ito sa Papa mo” sabi ni Mama.

“Opo” sabi ko

“Nakuu! Matutuwa yun” sabi niya na pumapalakpak

Kaya mahal na mahal ko ang pamilya ko dahil supportive sila kung ano ang gusto ko.

“Kunin nyo yung laptop baka online ang papa nyo” sabi ni Mama.

Kinuha ko na yung laptop at binukas ito. Si Papa kasi nasa Qatar nagtratrabaho so ibig sabihin OFW siya. Engineer siya doon.

Inopen ko na yung account ko sa Skype at sakto online rin si papa.

“Ohh ba’t kayo napatawag” sabi niya.

“May goodnews kami sa iyo pa” sabi ni Mama na sobrang saya talaga.

“Oo nga pa goodnews talga” saad naman ni Chelsea na sobrang tuwa rin.

“Mukhang exciting ah ano ba yun?” – Pa

“Nakapasok si Kuya sa Music Camp” sabi ni Chelsea inunahan pa talaga ako.

“Ohhh buti naman nakapasok na siya. Nasan si Jase?” tanong ni Papa.

“Nandito po ako Pa” sabi ko at harap sa camera.

“Mabuti naman nakapasok ka mukhang hindi nasayang yung pag practice mo ah”

“Oo nga po ehh” sabi ko.

“Pagpatuloy mo lang yan. Proud na proud ako sayo” – Pa

“Salamat Pa” sabi ko at umalis na ako. Sila Chelsea na lang at si Mama na nakikipag usap kay Papa.

Ringggg

Biglang may tumawag. Si Tyler.

“Ohh Pare” sabi ko.

“Musta Pare nakapasok ka?” tanong niya.

“Oo ikaw?”

“Congrats Pare” sabi niya. Ha? Bakit? Hindi ba to nakapasok?

“Salamat ikaw nakapasok ka ba” takang tanong ko.

“*hiikkkkk* pare” iyak niya na may kasamang sigaw.

“Ohh ano nga at isa pa ba’t ka umiiyak?” tanong ko na may halong pagtaka.

“*hiikkkk* pareeee” sabi niya ulit na umiiyak.

“Ano nga?” -_____-

“Pare *hikkkk* nakapasok ako” Putekk na yan nakapasok rin naman pala.

“Ohh nakapasok ka rin naman pala ba’t ka umiiyak”

“Tears of joy *hikkkk*”praning talaga kahit kailan.

“Hayy ewan ko sayo.  Pero Congrats Pare” sabi ko sa kanya.

“*hikkkkkk* salamat pare”

“ohh ba’t ka nanaman umiiyak dyan” tanong ko pa rin hindi pa kasi tumitigil sa pag iiyak.

“Makakain na kasi ako ng ice cream” sabi niya. Hayy kumilos talga toh parang babae pero lalaking lalaki naman daw siya. Mahilig lang daw siya talga sa mga sweets. Kaya hindi siya kumakain non dahil syempre sa boses niya at pati na rin daw sa weight niya para daw maging macho siya. -____-

“Sige pare para tumaba ka rin at mamalat yang boses mo” sabi ko

“Hoyy ngayon lang ito noh tapos exercise ulit ako tsaka hindi yan mamalat” HAHAHAH 

Forever is just a WordWhere stories live. Discover now