1

96 5 1
                                    

Jase P.O.V

Buti hindi traffic tanghali kasi ngayon kaya hindi gaano ka traffic. 

Nagpapasalamat ako dahil yung schedule namin ngayon hindi pang umaga. 

Bibili na ako ng card ng Lrt. Hindi naman mahaba yung pila kaya nakabili na agad ako.

Pumanhik na ako para makapunta sa tren. Konti lang ang tao. Hinihintay ko na lang yung tren.

Nandito na yung tren at buti na lang talaga may mauupuan ka pa.

Kiss me under the light of a thousand stars

Place your head on my beating heart

I'm thinking out loud

Maybe we found love right where we are

Bigla may kumanta. Maganda yung boses parang anghel. Napatingin ako sa katabi ko na babae na naka headphone at nakapikit habang kumakanta may dala siyang guitara.

Parang may lungkot sa mga boses nya na habang kumakanta siya. 

Napatigil siya sa pag kakanta na parang may tumawag sa kanya kaya sinagot niya.

"Hello" sabi niya.

"Malapit na ako" 

"Wait nga lang baka sabihin nila kinakausap ko sarili ko" tinanggal niya yung headphone niya sa tenga pati na rin sa cellphone. Tapos kinausap niya na gamit sa phone.

"Paparating na sa V.Mapa" sabi ng station.

"Ohh narining mo yun V. Mapa na so baba na ako mamaya mo na ako kausapin bubuhatin ko pa yung guitara ko" sabi niya at pinatay niya na yung cellphone niya at nilagay sa bulsa. Tumayo na siya at pumunta na sa pinto para makalabas.

Nang tignan ko yung upuan may panyo na naiwan. Baka sa babae yung panyo kaya kinuha ko na hindi pa naman siya nakakaalis kaya lang bumukas na yung pinto at lumakad na siya.

Hindi ko siya naabutan kaya tinago ko na lang.

Nandito na rin ako sa wakas sa school at buti na lang talaga wala pa yung professor namin maaga kasi dumadating yun at terror pa.

Nilabas ko yung panyo ng babae kanina. Tinignan ko kulay yellow siya. Tinignan ko kung may pangalan pero wala. Mukhang hindi ko mababalik ito.

"Ohh Jase ba't parang tutok na tutok ka dyan sa panyo ahh" sabi ni Tyler sa akin. Kaibigan ko.

Hindi pa nga pala ako nagpapakilala sa inyo ako nga pala si Jase Sebastian. Isang 4th year highschool.

"Ha hinid ah" sabi ko

"Weh kanina mo pa yan tinitignan hindi ka naman ganyan eh ano ba meron dyan sa panyo" 

"Nakita ko lang sa Lrt kanina dapat ibibigay ko na ito sa babae kaya lang nakaalis na"

"Ahh kaya pala"

Bigla pumasok yung prof namin at nagsibalik na yung mga kaklase ko sa mga upuan nila.

Natapos na rin yung klase at nakakapagod dahil maraming ginawa ngayong araw na ito.

Nakauwi na rin sa wakas. Kanina umaga hindi traffic ngayong gabi naman traffic. Ang hirap talga pag nag cocomute ka lang kailangan mo pang habulin yung jeep para makasakay ka na.

"Nandito ka na pala Jase mukhang pagod na pagod ka ah? Kumain ka na na?" sabi ni Mama sa akin.

"Traffic po eh kaya mahirap sumakay. Hindi pa po ako kumakain" sagot ko.

"KUYAAAAAAAAAAAAA!!!" 

Yan nanaman si Chelsea ang bunsong kapatid ko.

"Kuya. Kuya. Kuya" sabi niya sa akin habang inaalog ako na habang tinatanggal ko yung sapatos ko.

"Ohh bakit nanaman Chelsea may problema ba?" pag ganyan kasi yan may sasabihin siya sa akin tungkol sa grade niya o kung sa assingment niya grade 1 pa lang kasi siya.

"Wala kuya" sabi niya habang nakangiti -_-.

"Ohh wala naman pala"

"Kuya may papakita ako sayo ito oh" sabay pakita niya sa akin yung testpaper niya. 

Nakakuha lang naman siya ng perfect scores ang galing ko talga teacher wala eh.

"Ohh buti na perfect mo '

"Hahaha syempre naman kuya ang pogi kaya ng teacher ko" haha

"Kumain na muna kayo" sabi ni Mama sa amin.

Kumain na kami. Pagkatapos ko kumain at niligpit ko yung mga pinag kainan namin. Umakyat na ako papunta sa kwarto ko kung para makapagpalit na at para na rin gawin yung assignment ko.

Habang nag papalit ako nakita ko yung panyo nanaman ng babae tinago ko talga. Ewan di ko alam sarili ko kung bakit tinago ko hindi naman kasi ako ganon na tao na pag may nakita akong isang bagay na di naman sa akin tinatabi ko na lang sa isang lugar o hindi ko na lang kinukuha yun.

"Ano ba meron ka? Panyo ka?" tanong ko sa panyo. Ang weird ko.

Forever is just a WordWhere stories live. Discover now