Chapter 02: Flashbacks

194 5 0
                                    

Hershey Marie Hermosa ----->

------------------

Chapter 02: Flashbacks

Francis Miguel’s Pov

It’s Monday and I’m so damn late for my first class. Hindi na ako pwedeng ma-late dahil lagot ako sa Amazonang ‘yun. Baka sapakin nanaman niya ako kaya mahirap na. Tsk. Ewan ko nga ba dun kung paano niya nalaman yung schedule ko. Ay, oo nga pala. Sabay kaming nagpa-enroll dati. Pero kahit na. Tss. Swerte ko nalang dahil magkaiba kami ng course. Ibig sabihin, hindi kami classmates.

Yung nangyari last weekend ang isa sa mga ayaw ko nang maalala. Pagkatapos niya akong sipain sa kama ko, magdedemmand siya na doon sa condo ko panandaliang tumira ng ilang araw? No way! Kaya naman kinontak ko agad yung namamahala ng condo para mabigyan siya ng duplicate key ng condo niya. Nang mabigay sa kanya yung susi, walang sabi siyang lumabas ng condo ko para umuwi sa condo niya.

She didn’t even thank me for all the things that I have done for her! How cool is that?

Pagkatapos nun, hindi na kami nakapag-usap. Tss. Mas mabuti pa nga. Nakakabwisit lang siya eh. Kahit kelan talaga panira siya sa buhay ko. Tsk. Sana hindi ko na siya makita pa sa school ngayong araw. I can’t stand a day with her beside me. Buti nalang talaga at hindi ko siya kaklase. Sana swertehin ako ngayong araw at hindi ako mapansin ng prof na late ako sa klase niya.

Pero talagang malas ata ako dahil pagdating ko ng classroom, nagsusulat na yung prof sa board. Mukhang mahihirapan pa akong pumasok dahil tahimik yung klase at baka marinig ako. Tsk. Bahala na. Dahan-dahan naman akong pumanhik papasok, nagbabasakaling hindi niya ako mapansin. Ibang prof pa naman ito ngayon at siya pa yung strict at terror na prof sa college namin.

“You’re late, Mr. Gonzales.”

Sabi ko nga, late na ako. Hindi na lang ako nagsalita at dali-daling umupo. Aish. Nakakainis. Late nanaman ako. Hindi ko naman kasalanan kung hindi ko narinig yung pag-alarm ng phone ko diba? Hindi ko rin naman kasalanan kung mabagal kumilos yung kapatid kong ihahatid ko pa sa school niya diba? Yeah, unfortunately, dumalaw siya kagabi at doon natulog sa condo kaya wala akong choice kundi ihatid siya kanina. Hindi ko rin naman kasalanan kung—

“Hi, I’m Hershey Marie Hermosa. From now on, classmate ko na kayo. It’s nice meeting you, guys.”

What the hell is she doing here?!

“Ms. Hermosa, you may now sit beside Mr. Gonzales.”

Again, What the hell?!

“Hello there, Miguel.” Nakangiting bati sakin ni Amazona. Umupo na siya sa tabi ko at nagsimula nanaman si sir sa pagtuturo ng walang kwentang lesson niya. Since dito ako sa pinaka dulo nakaupo, hindi kami masyadong rinig ng prof.

“What the hell are you doing here?!” I hissed at her. I tried to control my voice para di kami marinig pero the heck! With her beside me, di ko mapigilang hindi sumigaw.

The Last WishWhere stories live. Discover now