OUCH 21 - Injured Heart. ;'(

20.4K 209 5
                                    

A/N: Pag may wala kayong maintindihan,  pakisabi nalang hah? ^^.,congrats satin! tahahaha! ambilis tumaas eh ^U^ muah muah! love you po mga readers ko~ 

Love 21 - Injured Heart. ;'(

~

"Ang sakit.."

"Hindi kita maintindihan eh, bakit ka ba nagkakaganyan hah?"

"Naman! Ano ba?! di pa ba halatang gusto kita?!"

~

Jiko's POV

Habang kumakain di ko maiwasang mapatingin sa hagdan. Hindi parin bumababa si Ailie, ano bang problema nun? Bigla nalang nanigaw, bakit naman nung una akong pumasok dun tinawanan pa ko?

"Ayaw mo?" - Kapag kuwan eh tanong sakin ni Ethan.

"Ayos lang ba si Ailie? Hindi ba sya kakain?" - Tanong ko. Napatingin din si Ethan sa hagdan. Muka rin syang nag-aalala, ayaw lang pahalata.

"Tapos na ko kumain, salamat sa pagkain" - Sabi ni Kyle tapos tumayo at tumambay sa labas.

"Pre malamig dyan" - Sabi ko.

"Ayos lang" - Sagot nya tapos lumabas na sya. Ano gagawin nya dun? >___> Ano ba nangyare sa kanila ni Ailie? Hmm...

"Kapag di ka kumain papauwiin kita" - Ethan. (_ _"") Sabi ko nga kakain na ko.


~

Pagkatapos namin kumain niligpit ko yung pinagkainan namin tapos si Kyle sabi sya na daw maghuhugas. Bait.

"Kyle, may alam ka ba kung bakit ganun si Ailie?"

"..."

Nice talking. Ang hilig nya talaga man-trash talk. Sanay na ko. Sa araw araw na kasama ko yan sa room ng guild namin eh hindi naman yan nagsasalita, magsasalita lang kapag kinausap sya ng kapatid nya.

Tumingin ulit ako sa hagdan. Wala parin si Ailie. Hayy. Kumuha nalang ako ng pagkain tapos dinala sakanya.

*tok tok tok*

"Ailie, dinalan kiat ng pagkain, kain na.." - Sabi ko. Nakarinig ako ng kalabog. "Ailie! ayos ka lang ba dyan?!"

"A-ayos lang ako! Iwan mo nalang dyan" - Ailie.

"Buksan mo yung pinto!" - Sigaw ko.

"Wag na! iwan mo nalang dyan!"

Ibinaba ko yung dala ko. "Kumain ka hah?" Sabi ko bago tuluyang bumalik sa kusina, tapos na mag-hugas si Kyle.

THE BILLIONAIRE CASSANOVA'S FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon