Love 12 - Epic

21.6K 202 12
                                    

Love 12 - Epic

~

"Ayos lang, nag-aalala lang sayo"

~

Kyle's POV

Isang buwan na ang nakakalipas, parang kailan lang nung dumating dito si Janica, Di tulad ng dati, Nag-uusap na rin kami pero di ganun katagal, iwas parin ako sakanya. Syempre.

"Kuya, tara na" - Tawag sakin ni Chris. Papasok na kami.

"Sandali, hindi pa bumababa si Janica.." - Sabi ko. Nakasandal ako sa may pinto, muka akong guard, lalo nat katabi ko pa ang aso naming mukang wolf.

"Psh! bahala ka nga! Mauna na ko dun" - Chris, pumunta na sya sa kotse.

Ang tagal naman ni Janica. Psh. Kainis, Male-late na kami. Dahil sa inip, pinasya kong puntahan sya.

*toktoktok* Sunod sunod na katok ko sa pinto kung saan sya natutulog.

"Janica, Lumabas ka na" Sabi ko. Bumukas ang pinto at nakita syang suot na ang uniform ng skwelahang pinapasukan ko.

"Sorry, ang hirap kasi isuot nito" - Sabi nya. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Tulad ng dati, kahit basahan ang isuot nya, maganda parin sya.

"Ipa-adjust mo nlang mamaya pag-uwi. Tara na" - Sabi ko. Bigla nalang syang kumapit sa uniform ko kaya napatingin ako

"U-uhhh" - Sya

Hindi ko sya pinansin nun tapos bumaba na ko at sumakay sa kotse. Pagdating namin, as usual,...ang daily activity? Pakiligin muna ang mga babae.

"Hi girls" - Bati ko sabay kindat.

"Wahhh!!!! >///////<"

"Kyaaahhh!!! kinidatan nya ko!!! >///<"

"Ang kapal ng muka mo! Ako kinindatan nya!"

"Boplaks! anong sinasabi nyo dyan?! bakit nyo pinagpapantasyahan ang boyfriend ko?!"

"Asa! He's everybody's boyfriend! wag ka mangakin!"

"timang! kay ailie yan!"

"Kaya nga may sulot na tinatawag diba?!"

Aga aga nilang nagbabangayan. HAHA! Gusto ko yan~

E speaking of my girlfriend nasaan na kaya yun? Isang linggo syang di  nakikipag-usap sakin ah.

"Sino sya?"

"Kapatid ng mga Valdez?"

"No! muka namang hindi eh"

THE BILLIONAIRE CASSANOVA'S FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon