Chapter Eleven

42 2 0
                                    

( Dedicated kay @NicKookie. Oh ! Ayan na yung Update. Sorry kung natagalan. )

Vivianne's POV

Naalimpungatan ako dahil tumunog yung Cellphone ko. Kinapa ko ito sa ilalim ng unan ko. Sinagot ko yung tawag ng hindi manlang tinitignan kung sino yun at nakapikit pa yung dalawang mata ko. Antok pa kasi ako.

Ako : Hello ?

Caller : Uy ! Hello. Miss na kita. Vivianne.

Huh??? Nakapagtataka naman? Bakit niya ako kilala? Pero pamilyar yung boses niya.

Ako : Sino to?

Caller : Huh? Ganon ba kalaki ang Galit mo sa akin para kalimutan ako.

Pinagsasabi nito. Tinignan ko kung naka-save ba yung Number niya sa akin. Pero pagtingin ko hindi naman naka-save. So, Sino to?

Ako : Sino ka ba kasi? Hindi nga kita kilala. Hindi naman naka-save Number mo sa akin eh ! So, Paano kita makikilala.

Caller : Hhahahaah. Sabagay. Basta makikilala mo din ako. Soon.

After niya sabihin yun ay pinatay niya na. Ay ! Kuya, Bastusan tayo? Ganern. Hindi ko nalang siya pinansin. Papansin lang yun, Wala lang siguro magawa sa Buhay niya. Kaya ganun.

Pumunta nalang ako ng CR para maghilamos at mag-toothbrush. Nawala na kasi yung antok ko dahil sa tumawag na yun. Leche siya !! Nang-iistorbo ng tulog. Bumaba na ako para makakain na. Nagugutom na ako eh !.

Pagkababa ko nakita ko si Kuya kumakain na. Ito talagang Lalaking to, Laging nauuna kumain hindi manlang ako hintayin.

" Oh ! Gising ka na pala. Halika, Kumain ka na. "- Sabi niya sabay subo ng Pagkain.

" Ay ! Hindi Kuya. Tulog pa ako. Dilat na ako matulog ngayon para kakaiba. Kasi kapag natutulog tayo laging nakapikit. Kaya tinry kong matulog ng nakadilat. " - Sabi ko sa kanya sabay irap. Hindi nalang niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagkain. Ako naman umupo na at nagsimula na ring kumain.

Maya-maya lang may narinig kaming nag-Doorbell. Hmm, Sino kaya yun?

" Yaya, Pakitingin naman po kung sino yun. " - Sabi ni Kuya. Tumango lang si Yaya at nagtungo na sa Gate.

" Ma'am, Sir. Sila Ma'am Ynna po nandito. " - Pagkasabi nun ni Yaya ay may biglang nalang umupong Dalawang Babaita sa tabi ko at kumain.

" Wow ! Walang paalam. Ganern. Kala niyo Pera niyo yung pinaggagastos namin ah ! " - Sarcastic kong sabi. Napansin ko namang nandoon pa rin si Yaya. " Sige na Ya. Balik ka na po sa kusina Kami ng bahala sa mga Patay Gutom na to. " - Sabi ko kay Yaya. Tumango lang siya at pumunta na ulit sa Kusina.

Nasamid naman yung Dalawang Patay Gutom. " Makasabi naman to ng Patay Gutom. " - Sabi ni Ynna. Si Steph naman uminom ng Tubig. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa Pagkain.

Tumayo naman bigla si Kuya. " O, Sige Girls. Alis muna ako. " - Sabi niya. Huh? Wala naman siyang pasok ngayon ah !

" Saan ka punta, Kuya? Wala ka namang pasok ngayon ah ! " - Sabi ko.

Lumingon naman siya at sinabing. " May tatapusin kasi akong Paper Works. Sige, Una na ako. Mag-ingat ka dito. " - Hinalikan niya ako sa buhok ko. " Bye Ian Bye Girls. " - Sabi niya at umalis na.

Nagpatuloy na ako sa pagkain ko. Tapos na kong kumain kaya niligpit ko na at nilagay sa lababo. Tapos na ko't lahat lahat pero tong Dalawang Patay Gutom na to hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos.

" Hoy ! Mga Patay Gutom, Iligpit niyo yang pinagkain niyo pagkatapos niyo. Maliligo na ako ng maka-alis na tayo. " - Sabi ko. Nag Thumbs-Up lang sila sa akin dahil hindi nila mabuka yung mga bibig nila dahil punong-puno ng laman.

Umakyat na ako sa Kwarto ko at naligo na. Magsisimba kami ngayon at after namin magsimba ay diretsyo kami ng Mall. Magwi-window Shopping lang. Kung may magustuhan eh ! di bibilhin namin.

Pagkatapos ko ay bumaba na ako at naabutan yung Dalawang Patay Gutom na nanonood na T.V. -_- Ang suot ko ngayon ay White na T-Shirt at Short tapos may Jacket akong Blue tsaka naka-Boots din ako na Blue. Tsaka Shoulder Bag. ( Isipin niyo nalang na may Bag siya )

Suot ni Vivianne at ni Steph sa Multimedia sa Right Side ------------------------------>

A/N : Sorry kung wala si Ynna. Wala kasi akong mahanap na Picture niya na kasama si Taeyeon at Tiffany. Sa susunod na Chapter ko nalang ipo-post yung Picture ng suot ni Ynna.

" Wow ! Feel na feel niyo ah ! " - Sabi ko pagkababa ko. Tinignan lang nila ako at pinatay na nila yung T.V.

" Hihihi. Ano alis na tayo? " - Tanong ni Steph.

" Ay ! Hindi hindi pa tayo aalis. Dito lang tayo. Manonood ng T.V maghapon. " - Sabi ko. Pansin ko lang. Nabadtrip ako pagkatapos tumawag nung Lalaki. Hahahah. Ang hilig ko din mambara ngayon. Hahhaha. Yaan mo na. Sanay na yang mga yan.

" Ay ! Hindi na tayo aalis? Sayang naman tong Suot ko. Di bali. Nood nalang tayo ng T.V. " - Sabi ni Ynna.

Napaface-palm naman ako. Seriously, May pagka-slow din pala tong Babaeng to.

" Aray ! Bakit ka ba nambabatok? " - Sabi ni Ynna habang hinihimas ang Ulo niya. Hhahhahha. Binatukan kasi ni Steph. Paano slow kasi.

" G*ga. Pinipilosopo lang tayo ni Mharie. Naniwala ka naman. Ang slow mo. Yung totoo, Kaibigan ka ba talaga namin? " - Sabi ni Steph. Natatawa nalang ako sa kanilang Dalawa.

" Ang sakit mo naman magsalita Steph. " - Sabi ni Ynna with matching hawak sa Dibdib pa. Hhahahha. Kahit kelan talaga tong Babaeng to. " Siyempre Kaibigan niyo ko. Tsaka hindi ko naman alam na pinipilosopo lang pala tayo ni Mharie. " - Sabi niya.

Magsasalita na sana si Steph. Pero inunahan ko na siya. " Hep Hep !!!!!! Tama na yan. Umalis na tayo. Anong oras na oh !? " - Sabi ko at hinila na sila palabas ng Bahay.

Nagsimba na kami at nagpunta na sa Mall.

~ Fast Forward ~

Nandito na kami sa Mall at nagtitingin-tingin ng pwedeng mabili. Habang nagtitingin-tingin kami ay nakaramdam kami ng Gutom. Pagtingin ko sa Orasan ko 12:00 na pala. Pumunta nalang kami sa KFC para kumain na ng Lunch. Si Ynna na ang umorder at as usual kami ni Steph ang naghanap ng mauupuan.

Habang naghihintay kami kay Ynna ay may Dalawang Lalaki ang pumasok. Hindi ito nakikita ni Steph dahil nakatalikod siya sa may pintuan. Tinignan ko ng maigi yung mukha nung Dalawang Lalaki parang pamilyar kasi eh !

" Parang kilala ko yun. " - Sabi ko. Tinignan naman ako ni Steph at tumingin din sa tinitignan ko.

" Oo nga no. Parang sila ----- " - Naputol ang sasabihin ni Steph ng tinawag kami nung Isa sa Dalawang Lalaki.


" Ian, Steph "

Sabi ni Lence at tumakbo papunta sa Table namin nasa likod naman niya si Ark.

" Sila nga. " - Narinig kong sabi ni Steph at umayos na siya ng upo.

A/N : Chapter Eleven Done. ^_^ Sorry kung ngayon lang naka-Update. Hindi ko nanaman natupad yung sinabi kong tuloy-tuloy ang Update ko. Hahahaha.

Vote / Comment

~ LadyPark

Second Chance in Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon