Chapter Four

55 7 1
                                    

Vivianne's POV

Picture ni Steph sa Multimedia at the Right Side ------------------------------->

Habang naglalakad kami, Nakatingin sa amin yung mga Estudyante. Yung totoo mga Ate at Kuya. May dumi ba kami sa mukha at kung makatingin kayo sa amin eh ! Parang may mga Kulangot kami sa mukha. -_-

Tinignan ko yung mga kasama ko. Aba't, Bakit wala na sila.

* Tingin sa Kanan *

* Tingin sa Kaliwa *

* Tingin sa Likod *

Bakit kahit saan hindi ko sila makita? Iniwan nila ako? Nakasama at naka-usap lang nila si Lence, Nakalimutan na nila ako. Etong si Ynna, Tag-landi ngayon. Porket sumasama na sa amin sila Lence. Naku-naku. Good Luck nalang sa kanya. Masaktan man siya o hindi, Nandito lang kami ni Steph para sa kanya. Unnie na Unnie lang ang peg.

( Unnie - Big Sister. Tawag ng Little Sister or Little Girl sa mga Ate nila o sa mga nakakatandang Babae. )

" Wala na sila. Nauna na sila sa Canteen, Kanina pa. " - Napatalon ako at napahawak sa dibdib ko ng may biglang nagsalita sa tabi ko. 

" Ano ka ba naman Ark? Jusko, Ikaw ang magiging dahilan kung bakit mamamatay ako ng maaga eh ! " - Sabi ko sa kanya sabay hampas sa braso niya.

Ilag naman siya ng ilag. " Huy ! Ano ba? Aray. Huy ! " - Sabi niya habang umiilag sa mga hampas ko.

" Nakakainis ka. Sa Susunod na magsasalita ka magbigay ka naman ng Sign, Ng hindi ako nagugulat sa'yo. " - Sabi ko sa kanya habang tuloy pa rin sa paghampas sa kanya.

" Eh ! Diba hinahanap mo sila. Buti nga sinabi ko pa sa'yo kung nasaan sila. " - Sabi niya. Hampas parin ako ng hampas sa kanya. Pero nahawakan niya yung kamay ko kaya natigil ako sa paghampas sa kanya. " Isa pang hampas mo hindi ako magdadalawang-isip na halikan ka. " -  Sabi niya. Napatigil naman ako sa paghampas at mabilis na binawi ang kamay ko. Narinig ko namang nagbulungan yung mga Students na nakapaligid sa amin. Isa pa to, Hindi ako na-inform na yung bulong eh ! kailangan marinig mo. -_- Bulong na rinig mo naman. Iba na talaga ang mundo ngayon. Masyado ng Hightech.

" Narinig mo iyon? Ang kapal naman ng mukha niyang hampasin si AJ at hahalikan pa siya. Pssh, What a Bitch. " Chismosa 1

" Oo nga. Kabago-bago ganyan na agad. " Chismosa 2

" Kyaaah !!!!! Hahalikan siya. Shippers na nila ako. Bagay sila. " Chismosa 3

" Oo nga. Team ARKIANNE tayo. " Chismosa 4

" Team ArkIanne? " Chismosa 3

" Oo. Team ArkIanne, Ark + Vivianne = Ark Ianne. " Chismosa 4

At blaaah blaaaah blaaah. Wala na akong masyadong naintindihan. Letche naman kasi tong Ark na ito.

" S-sabi ko nga titigil na ako. Halika na nga. Nagugutom na ako. " - Sabi ko at tumalikod na. Malalaki ang hakbang ko habang papunta ng Canteen. Narinig ko naman siyang tumawa. Ughh, Kabanas talaga yung Lalaking yun. Bwisit siya sa Buhay ko.

Ark's POV

Hahahhahha. Nakakatawa yung itsura ni Vivianne kanina. Epic, Lalo na nung sinabi kong hahalikan ko siya. Pero may nagtutulak sa akin na halikan nga siya, Buti nalang at napigilan ko yung sarili ko.

Sumunod na ako sa kanya ng tatawa-tawa pa rin. Ang Cute niya kasing mainis.

Vivianne's POV

Pagkadating ko sa Canteen ang dami ng Tao. Hinanap ng mga mata ko sila Ynna at nakita ko naman agad sila. Lumapit ako at umupo sa tabi ni Steph.

" Oh ! Bakit namumula yang mukha mo? " - Tanong ni Steph. Agad akong napahawak sa mukha ko. Nakatingin lang silang Tatlo sa akin at parang hinihintay yung sagot ko.

Nung siguro medyo natagalan na ako sa pagsagot ay biglang pinatunog ni Ynna yung kamay niya sa harapan ko. " Huy ! Ano na? Bakit ka namumula? " - Tanong niya. 

Sasagot na sana ako kaya lang biglang dumating si Ark, Kaya sa kanya nalipat yung atensiyon nung Tatlo. 

" Pre, Bakit namumula yung mukha ni Ian? " - Tanong ni Lence sa kanya. Agad na napatingin si Ark sa akin at nag-smirk. 

Sasagot na sana siya kaya lang tinakpan ko yung bibig niya. Buti na lang at mabilis akong kumilos. " A-ah ! Ano mainit. Oo, Mainit kaya namumula itong mukha ko. " - Sabi ko sa kanila. Nagtataka man ay tumango nalang sila at itinuloy na ang pagkain.

Binitawan ko na rin si Ark at sinamaan ng tingin. Aba yung Ugok ay nag-smirk lang sa akin at umupo na sa tabi nila Ynna at Lence.

Binili na pala nila kami ng pagkain kaya hindi na kami bumili pa. Malamang, Alangan namang bumili ka pa kung may pagkain na naman silang binili sa'yo, Diba? Tanga lang. De Joke lang :P

Kumain na kami habang nagku-kwentuhan sila Ynna. Tahimik lang ako, Pero kada mapapatingin ako kay Ark, Lagi siyang naka-smirk. Problema nito.

A/N : Chapter Four Done. Sorry kung panget. At kung medyo hindi nakaka-kilig. Sa mga susunod na Chapters pa yun kaya hintay hintay lang po tayo. Hintay hintay din kapag may Time. ^_^

Vote / Comment

~ LadyPark

Second Chance in Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon