BOYFRIEND VS. WATTPAD (One Shot)

7.1K 295 94
                                    

Readers, may PART II napo ito.. "I'M STILL WATTPAD ADDICT [BOYFRIEND VS. WATTPAD]..  Try to read! ^_____^ .. VOTE and COMMENT nadin po kayo.. Thank you ^^

BOYFRIEND VS. WATTPAD

-_________-

Kung pwede ko lang sanang istapeler ang bibig nitong Professor ko kanina ko pa ginawa.. Salita ng salita wala naman akong maintindihan sa tinuturo niya..

 

Napatingin ako dito sa katabi ko na kanina pa nagcecellphone, she's my Bestfriend Nam. Tss! Sino naman kayang katext nito at kanina pa nakangiti, mukang kilig na kilig pa! Psh! Buti pa siya mukang nalilibang sa ka-text niya.

*Poke*

Tumingin siya sa akin.

^__- Tinaasan ako ng kilay.

"Nam baka makita ka ni Ma'am masamsam pa yang cellphone mo." Ngumiti lang siya sa akin at sabay pakita nung screen ng cellphone niya..

Napatingin naman ako at nabasa ko yung nakalagay.

0___0

Napahawak ako sa bibig ko..

Kasi naman nakalagay "He's kissing me passionately and i felt his hands run down to my waist"

O________O"

Tinabig ko yung Cellphone nya.

"Bakit?"

"Bakit ka nagbabasa ng ganyan?"

Halos pabulong naTanung ko sa kanya, baka kasi marinig kami ni Ma'am. Kailan pa nagbasa ang bestfriend ko ng mga ganon. Aish! Halos di ako makahinga! OA much ba? Hahaha :D.. Hindi nyo ako masisisi may pagkagreen minded din kasi ako minsan. Malawak ang imagination ko sa sobrang lawak diko na alam kung san na napupunta..

 

******

Pagkatapos ng klase nagdarecho nako sa Locker Room.

"Pssst.." Napatingin ako dun sa nag-Pssst. si Nam lang pala.

"Uh bakit?" Nakangiti kung tanung sa kanya..

"Kase..." Napakamot siya ng ulo niya at parang nag-aalangan pa sa sasabihin. Napakunot naman ang Noo ko..

"Kase???"

"Kase yung nabasa mo kanina? Baka kasi isipin mo mahilig akong magbasa ng mga ganon.." Agad naman akong napangiti sa sinabi niya. Psh! Yung lang pala ang sasabihin..

BOYFRIEND VS. WATTPAD (One Shot)Where stories live. Discover now