Sakay ng mga Papel na Eroplano

190 9 4
                                    

Tatlong bungkos ng mga papel

ang itinambak natin

sa sahig at sa hapag

kung saan nagkalat

ang ating pagkabata.


Umiihi ako sa pader ng kapitbahay

kahit dala naman natin

ang arinola ni Lola

na hayu't nagngingitngit

dahil

wala na naman siyang maihian,

wala na naman siyang mataihan

habang itinutupi mo

ang mga nagkalat nang pahina

ng Tumbok, ng Bulgar,

at kahit na ang Boso

na nahalungkat mo

mula sa ilalim ng kama ni Itay

ay nakahanda nang lumipad

sa ibabaw ng bubong

ng kapitbahay.


Tapos hinila mo ako

sabay sabi:

                                "Lilipad tayo sakay ng mga papel

                na eroplano.

                                                Lilipad tayo sakay

                                ng mga papel na eroplano.

                Lilipad tayo

                                                sakay ng mga papel na eroplano."

Pero nabasa lang ng ihi

ang mga plano mo.


- Pebrero 2007, Lungsod ng Cavite

(published in Lumad, San Sebastian College-Recoletos' official literary publication in April 2007 and in Paliparan, a Cavite Young Writers Association literary publication in July 2007)

LUMAD ScribblesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon