Stress Reliever

17 1 0
                                    

Kung sabihan ng caller

na ikaw ay 'sang tsonggo,

h'wag matakot sa ulcer:

may pang-relax nang bago!


Kung sabihan ng teacher

na palakol, 'yong grado,

h'wag isipin ang cancer:

problema mo'y burado!


Kung banta ng asawa

ay isang hiwalayan,

never mind emphysema:

may bagong kaibigan!


Hagod sa lalamunan,

tulad ng sa sorbetes.

Menthol Maxx, 'di kailangan.

Keber mo sa bronchitis!


Magpahinga na tayo.

Kunin na ang posporo.

Narito na ang bago:

black menthol na Marlboro!


 - ika-22 ng Agosto, 2009, Inquirer Room, University of the Philippines-Diliman

(published in Bingit, Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo's 2009-2010 poetry compilation in January 2010)

LUMAD ScribblesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon