XLI- Snake and Shirtless

1.5K 51 12
                                    

🌺 Demi's Point of View:

Ang sarap-sarap ng tulog ko. Yakap-yakap ang unan ko, hindi na muna ako bumangon. Ngunit, nanlaki na lamang ang mga mata ko sa takot nang biglang may kung anong malamig na bagay na dumantay sa paa ko. Dahan-dahan ko itong sinilip.

Halos lumuwa na 'yong mga mata ko sa sobrang takot. That cannot be a snake! But it's black and has scales. Tumayo ako sa gitna ng kama at nagtatalon-talon.

"Kyaaaaaaaaaaaaaaah!!!!"

Nang makita kong pumasok si Wyatt ng kwarto, agad akong tumalon sa bisig niya at yumakap sa kanya. He carried me bridal-style.

"Anong nangyari?"

"May—may ahas!"I rattled.

"Sa'n?"

Tumingin ako sa kama pero wala na do'n 'yong nakita kong itim na mahaba kanina.

"Diyan!"turo ko sa dulo ng kama. "Nandiyan kanina."

"Baba ka muna, iche-check ko."

"No!"naiinis na sigaw ko.

Ba't niya ako ibababa? E kung tuklawin ako nong ahas! Ayun, mas kumapit ako sa kanya.

"Demi, wala naman e. Niloloko mo lang ako para makatsansing sa'kin."

"Takte ka! Wag kang ano diyan! May nakita ako. Wag mo akong ibababa, papatayin kita!"

Nanginginig parin 'yong tuhod ko dahil sa nakita 'ko e. Ahas 'yon, nakita ko.

"Wyatt, ba't may nakapasok na ahas dito sa bahay? Haunted na ba 'tong kwarto ko?"tanong kong tinawanan niya.

"Ang cute mo pero sa tingin ko niloloko mo lang talaga ako. Walang ahas. Sige na, baba na."

Sinampal ko siya ng mahina sa pisngi at muling kumapit ng maayos sa kanya. Napatingin naman akong hindi sinasadya sa dibdib niya. Anak ng— Ba't naman walang tshirt 'tong lalaking 'to!

"Wag mo 'kong ibababa sabi e!"

"Oo na. Hindi na. Upo na muna tayo sa kama. Ang bigat mo."

"No-no-no-nooo! Nooooo! Wyatt! Wag kang lumapit do'n!"sigaw ko sabay kawag ng paa ko.

"Walang ahas dito Demi."

Tumulo 'yong luha ko sa takot at inis na ayaw niya akong paniwalaan. Nang marinig niyang suminghot ako, hindi siya tumuloy sa paglapit sa kama.

"Oo na. Hindi na lalapit. Wag ka ng umiyak. Promise, hindi tayo lalapit diyan."alo niya sa'kin sa malambing na tono.

"May nakita nga kasi ako."sumbong ko nang nakasimangot. "Dumantay pa nga sa paa ko tapos malamig siya. Nakita ko e. Mahaba tapos itim."

"Okay. Okay. Tatawagin ko si Kuya Rocco para tingnan. Do'n muna tayo sa kwarto ko."

Hindi ako umalma dahil ayaw ko namang maiwan mag-isa rito sa kwarto. Maingat na ibinaba niya ako paupo sa kama niya. Napatingin ako sa hubad niyang itaas. Nang tumayo siya ng maayos at tiningnan ako, tumingin ako sa ibang direksiyon at saka nagpahid ng luha sa pisngi.

"It's okay, Demi."

"It's not! I just saw a snake and you can't just walk around shirtless! Magdamit ka nga!"

Napatawa siya ng mahina dahil sa sinabi ko. Tiningnan ko siya ng masama pero ayaw niyang paawat.

"Wait. My phone. Can you get my phone?"utos ko sa kanya.

"Sure."

Ilang minuto din bago siya nakabalik. Maybe, 10 minutes. Inabot niya sa'kin ang phone at sumilip ng akma ko 'yong bubuksan.

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now