Chapter Twelve : ;((((

837 31 23
                                    

*So un. Sorry po kung may pagkakorni ung mga isinusulat ko. Hehe. Beginner palang po ako e. Enjoy reading nalang po. hihi. *

***

Yannie's POV

"I am here. Hanap mo ako. Hahahahahaha. Yannie. Hanap mo ako. Tagu-taguan naglalaro sila pataas pababa paikot-ikot pa. Ang sabi nang nanay matulog na kayo ang sabi nang --------. Yannie, tulong mo ako. Ako hulog. Yannie. YANNIEEEEEEEEEE!!!! Waaaaaaaaa."

Nagising ako na dala dala ang masamang panaginip ko kanina. Hinihingal ako. Ang panaginip ko ay parang totoong nangyari pero wala akong maalala at ang nakakatakot pa doon ay ang pangalan ko pa ang tinatawawag nang batang babae bago sya mahulog sa bangin.

Argh! Ang nakakaloka pa doon ay ang batang babaeng nasa panaginip ko ay ang babaeng lagi kong naaalala na kumakanta nang 'If you are happy and you knew it clap your hands'. 

Natatakot talaga ako. NGIII! Hindi ako sanay na mag-isa pag natatakot. Ung bata na super cute na kalaro ko nag taguan sa panaginip ko nahulog lang sa bangin. At parang kasalanan ko pa kung bakit sya nahulog kasi habang kumakanta sya natulak ko sya para sana sabihin na nahanap ko na sya.

It seems so real to think na iniisip ko na kilala ko ang bata.

Kilala ko??

"CASEY!!!!!!"

AHHHH. Sumasakit amg ulo ko! Ano ito! Hindi ko maintindihan.

Sino si Casey? Sino ang batang babae sa buhay ko? Sino sila?!

SCHOOL

Nakaupo ako sa isang bench sa glass house. Iniisip pa rin ang napanaginipan ko at ang Casey na biglang umepal sa utak ko.

Ahhh. Ginulo ko ang buhok ko kasi sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip.

Hmp! Tinatamad na ako. Mamaya na lang akong mag-isip. Mangulit na lang muna ako. Ahihi

Nilalapitan ko ngayon si Hevn na feel ko kinikilig kasi nakangiti lang e wala naman syang kasama. Ang weird kayang kiligin ng Best friend ko, parang lalake sya kiligin. Ngumingiti na lang bigla. Sintu-sinto lang e. Ahahaha.

Sintu-sinto dapat para bagay naman kay Hevn.

"Yo, mukz. Whats up?" ^_^

May nakalimutan pala akong sabihin. I am the #1 chismosa in the world. Hehehehe

Bigla akong hinawakan ni Hevn sa balikat at niyugyog ng malakas.

"A-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a." ang tanging nasabi ko habang niyuyugyog nya ako.

"Mukz i am so happy! Nakausap ko si Dy----------."

"Si?"

O diba? Yan ang disadvantage nang hindi nagtitiwala sa bestfriend. Yan tuloy hindi nya masabi sa akin ang nafifeel nya. O ngayon, sinong kawawa? Bwahahahahahahahahahaha.

"A, wala pala."

"Ok sabi mo e."

Ganyan akong kabait na kaibigan. Iniintindi ko ang mga kaibigan ko. So, kung sinong may gustong maging kaibigan ako dapat complete kayo ng requirements ko. Tatlo lang naman ang requirement ko e.

REQUIREMENTS:

a) Dapat maganda ang ugali mo

b) Dapat di ka plastic kung plastic ka papatayin kita. Hehehe. And;

c) Dapat mas mayaman ka sa akin. Hahahahaha. juk lang

Gusto ko nang makita si Paolo ko. Huhuhu. hindi pa sya nagpapakita sa akin. Bakit kaya? BAka magkasama sila ni Hannalyn kasi nga magkaklase sila. Huhuhu. Ang malas ko talaga. 

Paolo my sinta magpakita ka na sa akin. Please?

***

Paolo's POV

"Ano nang susunod mong gagawin sa paghihiganti mo?"

Andito ako ngayon sa likod nang gym kasama si Hannalyn. Tama si Hannalyn nga ang kasama ko at dito ang paborito naming lugar. Siguro ay nagtataka kayo kung bakit ko sya kasama. Isa lang ang sagot dyan. Dahil girlfriend ko sya at ang lahat ng sinabi ko kay Alyandra tungkol kay Hannalyn lahat ay kasinungalingan. MAhal ko si Hannalyn. Bakit ko naman sya ipagpaapalit kay Yannie?

Si Yannie na kinamumuhian ko. Si Yannie na isang taong mabigat ang kasalanan. How will i love her?

"Simple lang, Hanna. Papaibigin ko pa syang lalo sa akin at kapag nangyari yun, I will leave her even if she kill herself."

Nginitian ako ni Hannalyn."You are a bad boy. Thats why i love you."

Wala akong sinabi pero nginitian ko sya.

Noong una ay ayaw ko itong gawin kaya lang malaki talaga ang galit ko kay Alyandra Loiuse Yulo. Naaawa ako sa kanya pero dapat bang kaawaan ang taong inalisan ka ng isang parte ng iyong buhay?

This is a revenge.

At hindi ako aatras. Kahit magmakaawa man sya.

Kahit ano man ang mangyari.

I will play the cards not in a fair way. Hindi ako makakapayag na maging masaya ka. I will make sure of that.

Damn!

0_0

***

Yannie's POV

Paolo, Paolo, Paolo, Paolo, Paolo, Paolo, Paolo, Paolo, Paolo, Paolo, Paolo, Paolo, Paolo, Paolo, Paolo, Paolo, mahal na mahal kita. Hindi kita lolokohin mahalin mo lang ako.

EEEEEEEEEEEEEEEE. Ahahahahahahahahahahaha. ^_^

_____________________________________________________________________________________

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-iamwaiting4him

The Unloved One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon