KUWATRO ✞

995K 24.9K 31.6K
                                    


IV

Hair on the Floor

Saturday, 1:00 A.M.

Mrs. Maria Ocampo's P.O.V.


Madaling araw na nang makauwi kami sa aming apartment galing sa naganap na birthday party ng isa sa mga paborito kong estudyante─si Ara Santos. 


Kilala ko rin personally ang parents ni Aradahil schoolmates ko sina Clarisse at Roger noong college. Actually, Roger's myex-boyfriend.  


Kasama ko sa party ni Ara kanina ang only child kong si Janice na classmate at best friend din ni Ara. Ito marahil ang dahilan kung bakit magaan ang loob ko sa batang iyon, pero hindi ko iyon ipinahahalata kay Ara. Sa kabila ng pagiging malapit ng dalawa ay gusto ko pa ring magpaka-istrikta kapag nasa loob kami ng school, hindi lamang sa anak kong si Janice at kay Ara kundi pati na rin sa lahat ng aking mga estudyante.


Magkapanabay naming inakyat ni Janice ang hagdan papunta sa aming condo-type apartment na nasa third floor. Hindi tulad ng magara at malaking bahay nina Ara, maliit lang ang apartment na tinutuluyan namin. Hindi rin naman masasabing naghihirap kami. Nagkataon lang na hindi private lawyer ang napangasawa ko.


Agad kong naramdaman ang malalim na paghinga ni Janice matapos mahiga sa kama ng aming kwarto. Mukhang napagod at napuyat talaga siya sa party. Pasado ala-una na rin kasi ng madaling araw nang makauwi kami.


Marahan akong pumanaog malapit sa kinahihigaan niya. Kahit dalagita na ang anak ko ay baby ko pa rin siya kung ituring. Tabi pa rin kami sa pagtulog dahil dadalawa lang naman kaming magkasama.


Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at habang nakatingin sa kanya ay bahagya akong nakaramdam ng lungkot. Bakit hindi ko maibigay sa kanya ang buhay na katulad ng kay Ara? Bakit kasi maagang namatay ang asawa kong si Eric?


Ginawaran ko ng halik sa pisngi ang natutulog kong anak. 


Nakadapa sya tulad ng dati. Iyon kasi ang paborito nyang posisyon kapag natutulog. But I'm sure later, maiiba rin ang pwesto nya. Malikot kasi syang matulog kaya ipinasadya kong malawak ang aming kama para sa aming dalawa. Ipinatong ko ang isang unan sa kanyang likod sa bandang puwetan. Kapag nagising sya, malamang magagalit sya sa'kin. Ayaw niyang nilalagyan siya sa likod ng unan kapag natutulog. Hindi bale, sa kalikutan naman nya kapag natutulog, malamang maya-maya lamang ay matatanggal na rin ang unang ito sa kanyang likod nang hindi nya namamalayan.


Huminga ako nang malalim at marahang pumikit.


Ako si Maria Ocampo. Hindi lingid sa aking kaalaman na madalas akong tawagin ng ilan sa mga estudyante ko bilang 'the thick-lipped teacher' and I hate those students who are calling me that way. They are out of respect! Pero totoo naman iyon dahil hindi maipagkakailang makapal talaga ang mga labi ko. 


Ngunit sa kapwa ko lalaking teacher, it looks sexy. It is indeed thick but for me, it's just pouty.


Namatay ang asawa ko sa isang aksidente. Maaga akong nabiyuda at sanggol pa lamang si Janice noon nang maganap iyon. Dahil dito, mag-isa kong binuhay at itinaguyod ang aking nag-iisang anak. Wala na rin akong mga magulang dahil pumanaw na sila bago pa man ako ikasal kay Eric,my husband.Mabuti na lamang at may maganda akong trabaho dahilan para masuportahan ko ang mga pangangailangan ng aking anak.

I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon