TRES✞

968K 27.4K 48.8K
                                    


III

Rewind Part2

Saturday, 7:00 A.M.

Ara's P.O.V.


"Huwaaaaaaaggggggggg!!!" 


Isang babae na sa tantya ko ay nasa late twenties and age ang tumambad sa aking harapan. Nakasuot siya ng maruming sleeveless shirt na tinernuhan ng puti ngunit nanlilimahid na palda.


Walang anu-ano'y napaatras ako sa takot nang makita ko ang kanyang itsura. Maganda siya, makinis ngunit nakakabahala ang napakalaking peklat na nakamarka sa kanyang leeg. 


"Sino ka?" tanong niya sa akin.


"Ha?"Napakurap ako. 


Paano nagkaroon ng ibang tao sa bahay na itogayong ang buong alam ko'y kami lang ni Roli ang naririto?


"Huwag kang matakot." Hinaplos niya ang peklat sa kanyang leeg. Kay amo ng boses niya kaya nahiya ako sa ipinakita kong takot dahil lang sa dungis na meron sa balat niya.


"Sorry..."


Ngumiti ang babae. "Ikaw ba iyong pamangkin ni Roli?"


Kumalma ako nang banggitinna niya ang pangalan ni Roli. Nakahinga ako nang maluwag. Ang akala ko'y may kababalaghan nang nagaganap sa bahay na ito. Nang malaman kong kilala niya si Roli at marahil ay kilala rin siya nito, napanatag na ang loob ko.


"S-sino ho ka-kayo?" utal kong tanong.


"Ah, ako ang bantay rito sa mansiyon." Nakangiti siyang bahagyang lumapit sa akin.


"Ganoon po ba?" Muling nabaling ang tingin ko sa cabinet na nasa ilalim ng lababo. "E-eh may bata po kasing pumasok dito."


"Baka hindi po siya makahinga sa loob."


"Okay lang. Kapag nakatulog na siya diyan ay ilalabas ko rin siya. Magwawala kasi iyan kapag pinilit ko siya'ng palabasin diyan ngayon."


Hindi man ako kumportable subalit pinilit ko pa ring gantihan sya ng ngiti.


"Anong pangalan mo pala?" tanong niya.


"Ara po," matipid kong tugon.


"Ako si Anne. Tawagin mo na lang akong Ate Anne."


Tinanguan ko lang siya bilang tugon sa kanyang sinabi. Pagkatapos naming magpakilala sa isa't isa, tinulungan niya akong maglinis ng buong bahay. Isang oras na ang lumipas ngunit wala pa rin si Roli. Hindi naman ako nainip dahil madaldal si Ate Anne. Hindi siya nauubusan ng kwento at mukha rin siyang mabait.


Ayon sa kanyang kwento, ang ina niyang si Aling Aming ang dating tagapagbantay ng bahay na ito. Ngunit nang magkasakit ang kanyang ina, ipinaubaya na sa kanya ni Roli ang pamamahala dito. Bilang kapalit, buwan-buwan naman siyang pinadadalhan ni Roli ng pera. Mabait daw si Roli sa kanya at inalok pa nga na pag-aaralin siya, pero hindi natuloy dahil nabuntis siya kay Tanek. 

I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon