"Okay lang~"

1.6K 34 9
                                    

"Okay lang" 

yan lang salita na pwede mong sabihin kahit hindi na pinagiisipan diba? Yung tila ba...

Gusto mo ba yung ulam? ... Okay lang

Okay na ba tong damit ko?... Okay lang

Gwapo naman siya diba?.... Okay lang

Nawala ko yung panty mo.... Okay lang

Uy! sorry na..... hindi Okay lang

Ayaw ko sayo.... Okay lang

Nasira ko yung cellphone mo... WATDAHEK?! okay lang..

Ganito kasi akong tao, Pagwala ako sa mood, pag ayoko sa kausap ko, o kaya naman Badtrip ako at kung anu-ano pa. OKAY LANG lagi ang sagot ko. Tulad ngayon, tinatanung nya ako kung maayos daw ba yung gawa nya at ang sagot ko... "Oo nga! okay nga lang"

"Tsk. Okay ka ng okay dyan eh. dadaanan mo lang naman ng tingin. Nakita mo ba talaga ha? HA?" Ay susko! ang kulet naman ng lahi nito.

"Anu ba gusto mo ha? titigan ko hanggang matunaw? pandilatan ko ng mata? tulad neto ganto ganto?" Tapos pinanlakihan ko ng mata yung gawa nya. grabe saket lang sa mata ah! Yung hangin kasi! >_<

"Tss! kahit kelan talaga Felisa alfante. yan na Motto mo! Okay lang okay lang. naku! kung hindi lang kita bestfriend eh" sabi nya saaken atyaka umalis. Naiintindihan nya naman ang pagiging moody ko kaso minsan pag ganyan asar na din yan. Bahala na nga.

Felisa Alfante. Ang panget no? hahaha. oh! sabi sainyo moody ako eh =___= kanina ang sunget ngayon tumatawa. Baliw lang >_<

So, ayun nga Moody ako, basta moody, mahilig ako sa mga pocket books atyaka ayoko sa makukulet at ayun nga, tulad ng sabi ng bestfriend ko... "OKAY LANG" is my motto XD

"UY! anjan na, anjan na!" Sigaw nung president namin na babae. Halos lahat nagayusan ng upo. pati bestfriend ko except boys.. well 45 kasi kami dito sa room 15 boys and 30 girls. kaya HALOS lahat--pero back to topic tayo.ayun nga, papasok na kasi ang hari--ay nakapasok na pala.

Si Felix Tingson, Ang male version DAW ng pangalan ko -___- campus heartthrob DAW at gwapo DAW, matalino DAW, Gentledog DAW, Mapangasar ng SOBRA, Hilig sa kalokohan ng SOBRA, Pervert ng SOBRA at Makulet ng SOBRA! Oo, isa sya sa mga ayoko! makulet >__< pero ewan ko ba! Crush ko DAW eh-- ay wala palang daw. Oo crush ko kahit makulet -___-

Pero KRAS ko sya ng one percent lang! ONE!!-- ay mga three na pala! Three lang! Over infinity! three lang! -____-

"Hi kakambal kong kabiyak" Bumalik lang ako sa realidad--naks lalim! basta yun bumalik lang ako nun ng makita kong katabi ko na siya. Kayo kase ehh!!! joke nanisi pa eh -___-

Ay oo nga pala, yan ang tawag sakin ng mongoloyd na yan! Takte kasi,Ang kulet kulet kulet tapos kami pa laging tinutukso dahil sa pangalan namin.. MEANT TO BE DAW.. yuck! Diba kasi? parang ewan lang. Baket katulad ba ko ni 'Biag ni lam-ang' at pagkalabas na pagkalabas ko sa nanay ko ay nakakapagsalita at ako pa pumili ng pangalan ko?! -___- ay! ka-highblood teh!

Dinaanan ko lang sya ng tingin at nagbasa na ulet sa pocketbook ko.. 'The girl is about to confess when--' at dyan palang ang nababasa ko ng biglang may humablot sa pocket book ko.

"HO-HOY! anu ba yan felix akin na nga yan" Nilayo nya saaken ang pocket book atyaka binasa yung title..

"The regrets?" Kumunot ang noo nya atyaka tumingin saken "Ang baduy ah!"

OneShots ♥Where stories live. Discover now