MOVING ON

2.1K 37 7
                                    

hello ate Humi.. gusto ko lang idedicate sayo ^___^

===========================

'i love someone else.. Im sorry'

'i love someone else.. Im sorry'

I wiped my face as tears continue to fall .

'i love someone else.. Im sorry'

'i love someone else.. Im sorry'

'i love someone else.. Im sorry'

4 days na ang nakakalipas simula ng magbreak kami. Hindi ako pumapasok,hindi ako lumalabas ng kwarto at iyak lang ako ng iyak dito.. Pag napagod makakatulog tapos pag gising iiyak nanaman. It actually become my daily routine since we broke up.

Nakakaasar sya! I hate him so much. I hate him because he promised that he will never be like the other guy but he turned just like them. He broke my heart. But I'm so stupid because I still hope that he'll come back for me.

Pero ano?

Paano na yung halos apat na taon naming pagsasama dahil lang sa nakilala niya sa unibersidad na pinapasukan niya ngayon? Itatapon nalang basta basta dahil lang may mahal na syang iba? Ganun lang kadali? Damn it!

Naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko sa tabi ko. Tawag ng tawag ang mga kaibigan ko dahil nagaalala sila sakin. Pero wala pa ko sa mood na kausapin sila. Hindi ko pa kayang humarap kahit kanino. I was about to turn my cellphone off when I saw who texted me. It was him.

'can we talk?' humagulgol ako sa pag iyak. Magusap? Para san pa? Hindi ko na kayang makita pa ulit siya. Kung tingin niya ang dali dali lang nito, nagkakamali siya.

Nagvibrate ulet yung phone ko.

'Please I'm begging you. Mag-usap tayo. Hihintayin kita sa Park.

I bit my lower lip. Sa kabila ng lahat ng sinabi niya sakin noong huling kita namin ay hindi ko parin kayang tanggihan siya.

***

"I heard hindi ka daw pumapasok, tumawag din ako sainyo pero ang sabi ng mom mo nagkukulong ka lang daw sa kwarto mo tapos ngayon makikita kita na magang maga yang mga mata mo? Anu bang nangyayari sayo?" I stared at him. How dare he asked me that question.

"Hindi mo alam ang dahilan?" Tumawa ako ng pilit. "Napakabilis mo naman makalimot. You ruined our 4 years relationship just because you met this bitch in your university?"

"Nish, please! Alam mong during this past few months ay nagkakaproblema na tayo."

"But that doesn't mean you have the right to cheat on me!" I exploded. Tears continue flowing from my face.

"Hindi kita niloko. She's my friend since we were kids, Nish. Sinubukan ko pigilan yung nararamdaman ko sa kanya pero hindi ko kaya. At bago ako umamin sakanya, inayos ko naman muna yung saatin. Kaya nga nakipaghiwalay na ko."

I keep shaking my head, "Minahal mo ba ko?"

He was about to hug me but I moved away. "Nish, I loved you. Lahat ng meron tayo simula nung High school hanggang ngayon ay totoo. Ayokong lokohin ka kaya mas minabuti ko nang makipaghiwalay sayo. You don't deserve me, Nish."

"Sinayang mo yung 4 years, Marvin. Nasayang lahat lahat dahil lang dyan." I muttered, iniwas ko ang tingin ko sakanya dahil hindi ko na kayang makita pa yung mukha niya. Masyadong masakit para saakin.

"Nish, hindi nasayang yun. It gave us both a lesson." Hinawakan ni Marvin ang kamay ko at hinalikan ito. Napatingin ako sakanya. Lahat ng pinagsamahan namin ay bumalik.

Yung una niyang yaya sakin para kumain sa labas.

Yung umamin siya ng nararamdaman niya sakin.

Yung unang sayaw namin.

Yung unang holding hands.

Unang yakap.

Unang kiss.

Lahat ng masasaya at malulungkot na memorya naming dalawa.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap siya habang humahagulgol ako.

He hugged me back, caressing my hair while his other hand is touching my back. "Please I hope you'll have the courage to move on and find the right guy."

Humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya at pinunasan ang luha ko.

"B-But how??"

Ngumiti sya sakin "yun lang ba? Para maumpisahan mo, Itapon mo lahat lahat ng binigay ko at memory nating dalawa"

"p-pero teka? Sayang naman kung i--"

"Gusto mong magmove on diba?" tumango ako "dapat gawin mo yun. Lalayo na din ako para hindi mo na ako makita. I'm really sorry Nish. But I want what's best for you. If we both keep hanging on this relationship, mas masasaktan lamang tayo."

Tumayo sya at hinawakan ang kamay ko kaya tumayo din ako..

"Ito na siguro ang huli nating pagkikita. I hope you forgive me at sana makapag move on ka na rin." niyakap nya ako for the last time so I hugged him back "I will miss you, Nisha Rivera. I hope we can still be friends after you move on. I'll always treasure our relationship and.." tinuro niya ang puso niya, "you"ll always remain in here."

Napangiti ako sasinabi nya at tumango "I will miss you too, Marvin. I hope you find happiness that you're looking for. Eventhough, it means that it will not be by my side. I'll be happy for you. Kahit mahirap."

"Take care"

Ngumiti siya sakin bago ako ito umalis. Masaya naman ako kasi kahit papaano inamin nya na nasaktan nya ako pero sumikip yung dibdib ko nung sinabi nya yung 'take care' kasi para bang sinasabi nya saakin na talagang wala na sya dyan para samahan ako pag kailangan ko sya.

Pag kauwi ko, pinagsama sama ko ang mga gamit na binigay saakin ni Marvin. And I did what he wanted me to do. Bago ko itapon ang papel na may apoy, sinigurado ko na lahat ng sama ng loob ko para sakanya at sa babae niya ay isinama ko na roon. Kung gusto ko maka move on, kailangan ko magpatawad.

Pero may isa akong hindi tinapon at sinunog..

Yung album na punong puno ng pictures naming dalawa. Itatago ko nalang para may remembrance naman ako sakanya. Sana lang makamove on na nga ako at sana maging masaya na nga rin sya.

***

"You may now kiss the bride"

After he kissed me, I heard the crowd applaused.

"I'm happy for you Nisha" niyakap ako ni Marvin. Ang sarap sa pakiramdam na parang wala nang mali sa paligid mo. Na lahat masaya.

Its been 6 years nung paguusap namin ni marvin and guess what he became my bestfriend na. Masaya ako kasi buntis yung asawa nya ngayon at nahanap ko na ang lalaking magmamahal sakin ng sobra. Tama si Marvin may mas magmamahal pa saakin ng higit sa pagmamahal na binigay nya and I'm lucky to have this man because he never fails to make me feel how much he loves me.

Aaminin ko nahirapan talaga ako mag move on kasi hindi naman talaga ganun kadali yun pero little by little nawawala na sya sa isip ko, nakikipag date na ako, nagagawa ko na ulit tumawa at unti-unting nawawala ang nararamdaman ko sakanya tuwing nagkikita kami.

Masaya ako dahil kahit papaano naging parte sya ng buhay ko kahit ngayon naman eh mahalaga paren sya saken kasi bestfriend ko sya..

Sana lang.. Sana maging matatag ang pagsasama namin ng taong mahal ko pati nadin sila Marvin kasi hindi pa naman dito nagtatapos ang lahat.

Marami pa kaming pagsubok na haharapin..

ng bago kong makakasama sa buhay. 

E N D

=====================

Ayieee lumalawak nanaman imagination ni author eh.. Pagbigyan xD

Vote and comment

Okay lang saakin kung may mali ako.sabihen nyo lang para sa susunod na gagawa ako ng story mas better :))

OneShots ♥Where stories live. Discover now