Chapter 2

40.4K 501 19
                                    



LUMABAS si Savannah sa coffee shop pagkatapos ng klase niya. Hindi na nagawang sabihin ni Becca ang brilliant idea nito dahil tumunog na ang school bell.

Ano na naman kayang plano ng bruhang 'yon? Tuwing may naiisip kasi ang mga kaibigan na kalokohan madalas ang ending, nasesermonan si Savannah ng tatay niya.

Naiiling na lumabas na siya ng Tourism Building at napangiwi nang makitang pasalubong sa nilalakaran niyang pathway si Theo. Ang Nerd na patay na patay sa kaniya.

Walang kasawa-sawa ang lalaking ito sa panliligaw. Kahit ilang beses na niyang binusted, ang lakas pa rin ng fighting spirit. Hindi niya maintindihan kung saan ba ito humuhugot ng kapal ng mukha at tibay ng sikmura na lapit-lapitan siya.

"Hi, Vanni! Saan ang punta mo?" Nakangiting bati nito sa kaniya.

Lalong napangiwi si Savannah nang lumabas ang braces nito. Ang outpit ay parang hinukay sa baul ng Lolo nito.
Puting longsleeves na nakasarado lahat ng butones hanggang sa leeg, itim na baggy slacks at makintab na black shoes. Nakasuot rin ito ng salamin sa mata at ang buhok ay unat na unat sa na ginamita ng gel.

Binilisan ni Savannah ang paglalakad. "Diyan lang sa coffee shop."

"Ihatid na kita."

Hinarap niya ito. "Theo, I told you may di-ni-date na ako. So, stop courting me, okay?" Mahinang sita niya dito.

Oo, maldita, bratinella at wicked bitch siya. Pero hindi niya magawang maipahiya ang mga nerd na katulad ni Theo. O, baka dahil may naalala siya sa mga katulad nito.

Someone from her past..

Past is past Savannah!

"Vanni, I just wanted to be friends with you. Masama ba iyon? At usap-usapan sa campus na hindi mo na raw kayo nag-da-date ni Johnny ngayon dahil-"

"Hey, stop!" Itinaas ni Savannah ang isang kamay sa ere. Ayaw na niyang marinig pa ang mga susunod nitong sasabihin dahil narinig na niya iyon sa dalawang kaibigan.

"Please naman, Vanni... all I'm asking for is friendship, is that too much?" Pagmamakaawa nito.

My god! Ano ba 'tong lalaki na 'to!? Hindi ba ito naawa sa sarili niya? Kung ayaw sa'yo ng isang tao! Huwag mong ipilit ang sarili mo! Pero hindi niya rin masisi si Theo, wala yatang lalaki ang hindi naghabol sa kanya.

Iiling-iling at walang lingon-lingon na nilayasan niya ito. Hahaba lang ang usapan nila.

"Vanni, wait up!" Habol nito.

Nanliliit tuloy si Savannah sa tingin ng mga estudyanteng nakakasalubong nila. May ibang nagtatawan lalo na 'yung mga babaeng sangkaterba ang inggit sa kaniya.

Nang makarating sa tapat ng coffee shop. Hinarap niya uli si Theo. "Stop following me, okay?"  dire-diretso siyang pumasok sa loob.

Sumimangot siya ng makitang nakangisi sina Becca at Tricia, itinuturo ang direksyon sa labas ng shop. Malamang nakita ng mga ito na kasama niya si Theo.

Padabog na naupo siya sa silya na para sa kanya.

"Tama ba ang nakita namin? Kasama mo na naman ang forever loyalist mo na si Theo?" Bungad agad ni Becca na tatawa-tawa.

Inirapan niya ito bago tumawag ng waiter.

"Hanga na talaga ako d'yan sa nerd na yan Vanni ang taas ng fighting spirit at lakas ng loob para lapit-lapitan ka! Dinaig pa si Tyler." Naiiling na sabat naman ni Tricia.

Naiiling na sinabi niya ang order sa waiter saka nag-register sa isipan ang ex boyfriend na dahilan ng lahat ng pagkalat ng mga tsimis tungkol sa kanya.

The Innocent Playgirl R18 ✔Where stories live. Discover now