Chapter 3

16 0 0
                                    





Nagising ako mula sa ingay ng mga taong nag uusap sa harapan ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko, sinasanay ang sinag ng liwanag na nanggagaling sa taas.




"Bakit naman po bawal nurse eh ako yung nag dala sakanya dito"


"She need to rest, pagod sya kaya bawal sya guluhin, kaya mabuti pa pumasok kana sa klase mo at baka magising pa sya"


"Hmp! No! I want to stay here until she wakes up, and besides..i dont have class for this hour"

"Yung may mga sakit lang ang pwede dito Hijo"

"May sakit kaya po ako"
Napataas ng kilay yung nurse sakanya.

"sakit sa puso, hehe, dali na po hindi naman po ako mag iingay eh, babantayan ko lang po sya promise"

Inayos ko yung damit ko at dahan-dahang tumayo. Medyo masakit pa yung pasa ko pero okay lang, mas mahalaga yung class ko. Tinignan ko yung oras, 3 oras pala kong tulog, feeling ko tuloy na full charge ako.
Kinuha ko na ang bag ko at nag lakad na papuntang pinto,kailangan kong makabalik sa class ko. Derederetso lang akong nag lakad, hindi binalingan ang dalawang nag tatalong estudyante at nurse.

"Oh look gising ka na pala!"

"Okay kanaba?"

"Nahihilo kaba?"

"Hoy wait! teka!"

"Miss Violet girl!!"
Napahinto ako sa pag lalakad pero hindi ako tumingin. Naramdaman kong lumapit yung lalake sakin. Ako ba yung kinakausap nila?

"Miss Violet girl bingi kaba?"
Napatingin ako sakanya ng masama.

"hehe, sabi ko nga hindi"
Tumalikod nalang ako sakanya at akmang lalabas na ng may nag salita nanaman.

"Are you okay na?"
Nakangiti sya sakin, tumango lang ako bilang sagot at umalis don. Wala ko sa mood mag salita, mas pipiliin ko pang mapanis ang laway ko kaysa makipag usap.

Nag lalakad nako papuntang hagdan ng madaanan ko yung washroom, papasok muna ko. Aayusin ko lang yung sarili ko,
Binuksan ko yung tubig at nag hilamos. Pinag masdan ko yung sarili ko sa salamin, pasa galos at gasgas ang una mong mapapansin kapag tumitig ka sa muka ko. Kung tutuusin kababae kong tao pero dinaig ko po yung mga tambay sa kanto. Dalawang araw palang ang nakalipas ng pumasok ako sa paaralan nato, tatlong beses nakong napasama sa gulo. Maswerte na nga ako at hindi pako napa guidance dun sa pangalawa.

I sighed, akala ko magiging maayos at tahimik ang buhay estudyante ko dito, pero mukang nag kakamali ako.



Pag katapos ko mag hilamos at mag punas, sinuklay ko yung buhok ko. This hair...Halos lahat napapatingin sa buhok ko, Color Violet kasi ito, may habang hangang siko at kulot sa pinakababa.

Nakikilala ako ng tao dahil sa buhok ko, nakakatawa nga lang kasi ito lang yung maganda sakin.

Ng masigurado ko ng maayos nako. Lumabas nako sa wash room. Dahan dahan lang akong nag lakad, ayokong gumawa ng kahit anong ingay. Pakyat na sana ako ng hadan ng sa di inaasahan ay may nag hahalikan sa hagdan. Dederetso nalang sana ako at iisiping walang nakita ng makilala ko kung sino yung lalake.

SONREÍR FOR SNOW VEIGHNWhere stories live. Discover now